Facebook

DHSUD KAILANGAN BANG MANGUTANG?

Sa proyekto’t programa ng pamahalaan ay hindi na bago ang pangungutang ng ating gobyerno tulad na lamang sa HOUSING PROJECT ng DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENTS AND URBAN DEVELOPMENT (DHSUD) na mangungutang para mapondohan ang pabahay ng gobyerno.., gayong may sapat namang salaping magagamit?

Bakit kailangang mangutang ang pamahalaan? Hindi ba’t may P157-bilyong salapi ang DHSUD mula sa savings ng mga tanggapan sa ilalim ng naturang departamento.., na puwera pa riyan ang US$1bilyong housing grant ng UNITED STATES OF AMERICA?

Kamakailan, sa selebrasyon ng NATIONAL SHELTER MONTH ay nagpahayag si DHSUD SECRETARY JOSE RIZALINO ACUZAR na kailangang mangutang ng P1.2 trilyon para matugunan ang direktiba ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.

Kung tutuusin ay walang dahilan para ipangutang ang programang pabahay ng pamahalaan dahil may iba pa namang paghuhugutan.., kabilang na riyan ang mga nakatenggang housing units na itinayo ng NATIONAL HOUSING AUTHORITY (NHA) sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kung seryoso si ACUZAR na bigyan ng disenteng pabahay ang mas maraming pamilyang Pilipino.., ang dapat niyang atupagin ay isulong na gawing simple ang mga rekisitos na nagsisilbing balakid sa mga MARALITANG MAMAMAYAN para maging kuwalipikado sa pabahay ng gobyerno.

Sa sandaling maipamahagi ang mga libo-libong bakanteng housing units ay makalilikom ng dagdag pondo ang DHSUD mula sa buwanang hulog ng mga benepisyaryo.

Hindi rin naman kailangan ng DHSUD na agarang mangutang ng malaking halaga.., dahil walang isinasaad sa alin mang bahagi ng REPUBLIC ACT 8818 na kailangan ng paunang bayad sa mga kontratista.., kasi, babayaran lamang ang mga kontratista kapag natapos na ang proyekto.

Isa pang pwedeng pagkuhanan ng pondo ay ang masisingil mula sa mga pagkakautang ng PRIVATE COMPANIES na ka-transaksyon ng ahensya sa nakalipas na 10 taon..

Sa mga datos ng PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY (PSA), lumalabas na lagpas na sa 6.5 milyon ang HOUSING BACKLOGS ng pamahalaan.., na posibleng umabot pa ng 11 milyon kung mananatiling plano ang pangakong pabahay ng DHSUD.

Pero teka may ilang opisyal ang nahihiwagaan.., este nagtatanong kung bakit daw nariyan sa DHSUD ang BAYAW ni FORMER EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA.., gayong nasa kabilang bakuran daw yan?

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.

The post DHSUD KAILANGAN BANG MANGUTANG? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DHSUD KAILANGAN BANG MANGUTANG? DHSUD KAILANGAN BANG MANGUTANG? Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 02, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.