Facebook

Anne unang Pinay na cover girl ng Vogue magazine

Ni GERRY OCAMPO

NI-repost ni Anne Curtis sa kanyang Instagram ang post ng Vogue Philippines sa pagiging cover girl niya sa December 2022-January 2023 issue ng magazine.
Nag-trending ang cover reveal na yun ng Vogue Philippines at inihayag pa na, “with 18.5 million followers, she is the most influential female celebrity in the Philippines on Instagram and also has 14.8 million followers on Twitter to both.”
Ang kaagad na reaction ni Anne sa pagiging cover girl ng nasabing magazine ay, “Still can`t believe this is real a dream come true at “OMG! I can`t wait to buy mine iiyak ata ako,” sagot ni Anne sa netizen na pinost ang kopya niya ng magazine.
Sigurado na masisiyahan pa si Anne kapag nabasa ang comment ng kanyang mga kaibigang kasama sa entertainment industry na pinupuri ang pagiging cover girl niya ng nasabing magazine.
Samantala, inaabangan ng kanyang fans at followers kung kailan siya gagawa ng movie. Lalo ng mga barakong followers ni Anne na matagal nang nami-miss ang kaseksihan niya sa big screen.
***
AJ nagsalita na sa balitang panganganak
VIRAL ang convo ng bagong Pantasya ng Bayan na si AJ Raval at ng social media personality na si Senyora. Ang kanilang pinag-usapan ay tungkol sa nanganak na umano si AJ sa isang ospital sa Pasig City.
Ipinost ng social media personality ang photo nina AJ at Aljur Abrenica at ang balitang panganganak daw ng young sexy actress, maging ang convo nila ng direct messages.
Hirit ni Senyora, “Akala ko ba, AJ, tuta lang `yun? Ano yung mga sinasabi nila? Haaay, naglilihim ka na sa akin” na sinagot naman ni AJ ng “Surprise” at “Hahaha.”
Maging ang ultrasond result ay ipinost din ni Senyora, pero natawa si AJ dahil mukha ng aso ang makikita.
Hirit pa ni Senyora, “Haaay, akala ko, wala tayong secret sa isa`t isa,” na sinagot uli ni AJ ng, “Si**lo mga yan, hahaha! Nanahimik ako dito.”
Sumagot si Senyora ng, “Haaay `di ko na alam sa`n maniniwala.”
Nag-comment pa si Senyora na, “Haaay, reregaluhan ko pa naman sana si AJ nito at haaay gusto ko pa naman mag-ninang.”
Sa kainitan ng balitang nanganak na nga raw si AJ ay nag-post ito ng larawan na naglilinis ng kanyang condo. Sa larawan makikita ang kabuuang porma at hitsura ng kanyang katawan para siguro ipakita sa mga marites na hindi siya nanganak.
Noong isang araw naman ay bumisita siya sa office ng Viva Entertainment kasama ang manager na si Jojo Veloso na makikita ang porma ng katawan ni AJ sa suot niyang tops at naka-jacket. Pero mayroon pa rin nag-comment na baka mabinat siya.
Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagtatanong kung ano ba talaga ang katotohanan?Sabagay sa showbiz naman ay walang naililihim. Lalabas at lalabas din ang katotohanan sa bandang huli.
ginawa niyang parody.
Hindi maitatatwa na isang henyo talaga si Michael V sa pag-iisip ng mga ideya para sa ikagaganda ng kanyang mga show.
Lahat ng bumubuo sa cast ng Bubble Gang ay may pagkakataong i-share ang kanilang idea na magagamit sa bawat segment. Kapag okey ang idea ay isasama pero kapag feeling ng nakararami ay hindi ay walang samaan ng loob na hindi puwedeng gamiting joke.

The post Anne unang Pinay na cover girl ng Vogue magazine appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Anne unang Pinay na cover girl ng Vogue magazine Anne unang Pinay na cover girl ng Vogue magazine Reviewed by misfitgympal on Disyembre 04, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.