Facebook

Erwin Tulfo out, Ed Punay in as DSWD Chief; Sandiganbayan anyare sa kaso ni Rep. Madrona?

PINALITAN na nga si Secretary Erwin Tulfo sa Department of Social Welfare (DSWD). Inanunsyo ang pagpalit sa kanya nitong Martes.

Isa ring beteranong journalist ang ipinalit kay Erwin, si Ed Punay na dating komokober ng 3 branches of the government – Executive, Legislative at Judiciary.

Kaya pinalitan si Erwin ay dahil dalawang beses na siyang inilaglag ng Commission on Appointments (CA) sa rasong isa siyang American citizen at convicted sa Libel.

Nauna nang sinabi ni Erwin na itinakwil na niya ang kanyang American citizenship bago pa siya itinalaga ni PBBM sa DSWD. At hindi rin naman masasabing may “moral turpitude” ang Libel dahil hindi naman ito katulad ng Murder, Rape, Theft at iba pang hienous crimes.

Pero, ano ang magagawa ni Erwin kung ayaw sa kanya ng mga miyembro ng CA? At ayaw siyang ipagtanggol ng kanyang sinuportahang presidente?

Post sa social media ng naghihimutok niyang “Kuya” na si Ramon Tulfo: “Magseserbisyo ka pa ba sa weakling President, Erwin?”

Simula nang huling ma-bypass ng CA si Erwin ay hindi na ito sumipot sa mga miting ng gabinete, hindi narin nagpakita sa publiko.

Ayaw niya na nga magserbisyo sa “weakling President”.

Actually, ang unang tumawag kay PBBM na “weakling” ay si dating Presidente Rody Duterte.

Si Erwin ay nakababatang kapatid nina Ramon, Ben, ex-Tourism Secretary Wanda, at Senador Raffy.

Tulad ni Ramon, sina Ben, Raffy at Erwin ay mga hard-hitting broadcast at print journalists.

Ngayong wala na si Erwin sa gobyerno, tiyak na hahataw uli ito pagbalik sa media.

At dahil wala na nga si Erwin sa administrasyon, siguradong bobomba ng husto si Senador Raffy sa Kongreso pati na sina Ramon at Ben as journalist.

Tiyak na iikot ang tumbong ng mga mambabatas na miyembro ng CA na nagbasura kay Erwin. Abangan!

Sabi ng mga bilib sa Tulfo brothers, kapag hindi nagbago si Sen. Raffy sa kaliwa’t kanang pag-atake sa mga mali sa gobyerno maging sa mga kapwa niya mambabatas, at tumakbo itong pangulo sa 2028, iboboto nila si Raffy Tulfo. Boom!

***

Pinapalakpakan ko ang Sandiganbayan sa masigasig nilang paglalabas kada linggo ng mga desisyon laban sa mga opisyal ng gobyerno na nakasuhan ng katiwalian. Bravo!

Kaso ang inaabangan ng mga Romblomanon na kaso ng kanilang dating gobernador ngayo’y Congressman Eleandro Jesus “Budoy” Madrona na 18 years nang hinihimay sa korte ay hindi parin nadedesisyunan. Why o why?

Ang ‘Graft’ case (Fertilizer Fund Scam 2004) ay nasa tanggapan ni 6th Division Chairperson Sarah Jane Fernandez.

Ang kaso ay natapos na ang mga pagdinig noon pang Abril 2022. Submitted for decision na ito. Pero walong buwan na ngayon ay hindi parin nakapaglalabas ng desisyon ang graft court. Anyare, Justice Fernandez, Ma’am?

18 years na ngayon ang kasong ito ni Madrona, na nasuspinde pa ng 90 days noong simulan ang mga pagdinig sa kaso.

Wish ng Romblomanon, madesisyunan na ito sa 2023!

The post Erwin Tulfo out, Ed Punay in as DSWD Chief; Sandiganbayan anyare sa kaso ni Rep. Madrona? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Erwin Tulfo out, Ed Punay in as DSWD Chief; Sandiganbayan anyare sa kaso ni Rep. Madrona? Erwin Tulfo out, Ed Punay in as DSWD Chief; Sandiganbayan anyare sa kaso ni Rep. Madrona? Reviewed by misfitgympal on Disyembre 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.