Jane talbog sa byuti at karisma ni Janella; Piktyur na nakahawak si Pia sa nota ng bf na si Jeremy, trending

Ni JOVI LLOZA
MULING nag-display si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang socmed ng isang larawan na nagkakabit sila ng fiance ng Christmas tree.
Kasalukuyang nasa United Kingdom sina Pia at Jeremy Jauncey.
Doon na nga mag-celebrate ng Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon ang engaged couple.
Ang larawang ibinahagi ni Pia sa kanyang socmed account na habang nag-aayos ng Christmas tree si Jeremy ay nakayakap naman ang beauty queen.
Pinagpiyestahan ng netizens ang larawan nina Pia at Jeremy.
Puna ng netizens sa larawan na nakayakap ang beauty queen habang nagkakabit ng Christmas tree ang fiance na tila nahawakan na ni Pia ang Christmas ball ng dyowang si Jeremy.
Pansin ng netizens na tila saktong nasapo ni Pia ang hinaharap ni Jeremy na nabigyan agad ng malisya.
Maraming napa-sana all na netizens sa sweet pic nina Pia at Jeremy.
***
HAYAGANG ikinumpara ng pamosong manunulat na si Cristy Fermin sina Jane de Leon at Janella Salvador.
Maganda naman daw si Jane at walang duda ‘yun kaya nga raw ito bumida sa Mars Ravelo na Darna.
May magaganda raw na walang karisma.
Parang ang ganda raw ni Jane ay flat na flat.
Hindi nga raw katulad ni Janella na naikumpara dahil sa larawan na magkasama sina Darna at Valentina.
Nung nagkaanak na raw si Janella ay mas lalo itong naging maganda at lumakas ang karisma.
Sinang-ayunan naman ito ng kanyang kasamahan sa radio at vlog.
Maganda naman daw si Jane pero walang karisma at walang PR sey pa ng beteranang manunulat.
Komento ng netizens na baka di na masundan ang Darna ni Jane ng panibagong project.
Well, well, well…’Yun na!
The post Jane talbog sa byuti at karisma ni Janella; Piktyur na nakahawak si Pia sa nota ng bf na si Jeremy, trending appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: