Joshua sasayangin ang milyong followers, titigil na sa vlogging; Matet nagtampo kay Mommy Guy, kinumpetensya sa negosyo

Ni JOVI LLOZA
NAGLABAS ng kanyang damdamin si Matet De Leon matapos na ikompetensya siya ng ina na si Nora Aunor.
Nagtataka raw si Matet na simula pa lang noon ay alam na ni Ate Guy na meron siyang gourmet tuyo at tinapa.
Nagulat na nga lang daw ang daughter ni Ate Guy na magkapareho sila ng negosyo.
May pa quote pa nga raw si Ate Guy na honor your parents.
Pumalag naman si Matet at tila may pagtataray na ani nito ay ‘ay di pala ako anak’ at isa nga raw siyang ampon.’
Nakarating pa sa kaalaman ni Matet na magiging reseller na lang daw ito sa gourmet tuyo at tinapa ni Ate Guy.
Pinaghirapan na nga raw nila ang kanilang negosyo na itinatag ng mister ni Matet na si Mickey Estrada.
Na-sad lang si Matet na ang ina pa nito ang kanyang kakompetensya sa negosyo.
Kaya dumulog na raw si Matet sa netizens at humingi ng payo kung ano ang gagawin sa nanay niya na kalaban nito sa negosyo.
Wish ng ibang netizens na pag usapan na lang nila ang nararapat para di na ito mauwi sa awayan ng mag-ina.
***
MARAMI ang nanghinayang na milyong followers ni Joshua Garcia nang malaman na titigilan na nito ang halos ilang taon din niyang ginagawa.
Nakiuso lang si Joshua noong panahon nga raw ng pandemya at halos kahit mga kapwa nito artista ay nagba-vlog.
Trending at viral ang mga video na ginagawa ni Joshua.
Pero kung binabalikan nito ang kanyang videos ay nababaduyan ito at nasa isip na lang na nagawa nya pala ‘yun ng pandemya.
Kaya ipina-private na lang niya ang kanyang videos.
Nagpasya na itong itigil ang blogging hindi sa ayaw nito kundi busy at marami na itong ginagawa.
Gusto ng aktor na if ever i-activated niya ulit ang kanyang pagba-vlog ay iibahin na niya ang content na something unique.
Sa ngayon nagpasya na si Joshua na tumigil na sa kanyang pagbla-vlog, feeling niya kasi di siya sa larangan ng vlogging.
Well, well, well…’Yun na!
The post Joshua sasayangin ang milyong followers, titigil na sa vlogging; Matet nagtampo kay Mommy Guy, kinumpetensya sa negosyo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: