Facebook

MAYORA SANDOVAL, COL. DARO UMAKSYON VS PERGALAN, GEN NARTATEZ JR. NAPAGLALALANGAN!

KUNG sina Malabon Mayor Jeanne Sandoval at Police Chief, Col. Amante Daro ay mabilis ang aksyon laban sa operasyon ng pergalan sa siyudad ng Malabon, si PNP Region 4A Director PBG Jose Melencio Nartatez Jr. naman ay mukhang“napaiikutan” ng kanyang mga pinagkakatiwalaang opisyales sa mga lalawigan ng Cavite, Batangas, Laguna at iba pa nitong nasasakupan.

Dahil sa ipinamalas na hakbang nina Mayor Sandoval at Col. Daro laban sa operator ng tusong pergalan (perya at sugalan) sa kanilang hurisdiksyon na ibinulgar ng SIKRETA na nagsisingit ng mga iligal na sugal, maraming taga-Malabon ang at natuwa sa kanila kabilang na ang inyong lingkod.

Hindi ipinasara ang nasabing pergalan na matatagpuan sa tabi ng Robinson Town Mall sa Brgy. Tenejeros, matapos na tanggalin ng operator ang palarong drop ball (isang uri ng sugal) at nangakong hindi hahaluan ng iligal na sugal ang kanilang operasyon.

Patunay ito na sensitibo sina Mayor Sandoval at Col. Daro sa mga mali at iligal na gawain pagkat hindi ito naaayon sa itinatadhana ng batas-bagay na dapat ginagawa ng mga lingkod- bayan na tulad nila.

Suhestiyon at tip din natin sa mahuhusay na Malabon executive at top police official, isang nagngangalang Mario Bokbok ay operator ng Lotteng, Montehan at saklaan na inooperate sa tinatawag na konsiyerto na sikretong pinagsusugalan ng mga sugarol sa tagong lugar ng lungsod.

Kumpara sa tradisyunal na saklang-patay na pinagkukumpulan sa mga lamay at saklang-lansangan, ang saklang-konsiyerto ay sinasalihan ng mga magsusugal na prominente, mayayaman, malakasan doon ang tayaan at mga imbitado ay tahor na manunugal.

Si Mario Bokbok ay napakatagal ng sakla operator na nananatili halos dalawang dekada sa kanyang labag sa batas na negosyo na ipinagpapatuloy niya hanggang sa kasalukuyan.

Kaya hamon natin kina Mayor Sandoval at Col. Daro, ipaaresto nila si Mario Bokbok dahil ang kanyang ginagawa’y imoral na nakakasira hindi lamang sa mga naging adik na sa pagtataya sa kanyang pasakla, kundi sa magandang reputasyon ng lungsod ng Malabon.

Naukilkil din lamang natin ang iligal na sugal, kung itong sina Mayor Sandoval at Col. Daro ay aksyon agad sa mga sumbong laban sa vice operation, kabaliktaran naman yata ito sa pag-uugali ang mga gobernador, mayor, provincial director at police chief sa Region 4-A.

Wika nga sa matandang kasabihan, “hampas sa langaw, sa kalabaw ang latay”, ang talamak na operasyon ng sakla sa mga bayan ng Tanza, Indang at General Mariano Alvarez (GMA), pawang sa lalawigan ng Cavite, munisipalidad ng Padre Garcia, Lipa City at Sto. Tomas City, lahat ay sa probinsya ng Batangas, San Pablo City, Calamba City at maraming bayan sa probinsya ng Laguna ay nag-iiwan ng batik at pangit na imahe sa liderato ni Region 4A PNP Director, PBG Jose Melencio Nartatez Jr.at CIDG Regional Chief, P/Col. Joel Ana.

Mistulang malutong din na sampal ang nagkalat na sakla joint sa mga nasabing probinya kina Cavite Governor Junvic Remulla, Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas at Gov. Ramil Hernandez ng Laguna.

Ayon sa ating mga KASIKRETA at Anti-crime and vice crusader, nakadidismaya ang pakunyaring pagsalakay sa sakla den sa bayan ng Tanza may tatlong araw pa lamang ang nakararaan.

Ilang magsasakla ang naaresto ng pulisya ngunit ang mga operator nitong sina alias Santiago/ Tagoy kilalang dating tulisang pulis, Erik Turok at nagpapakilalang tauhan ni Gov. Remulla ay di naman inaresto. Si Santiago/Tagoy ay nagpapakilalang dakilang alalay ni Cavite OIC Provincial Director, P/Col. Christopher Olazo.

Binulabog nga ang isang pwesto ng saklaan sa Tanza ngunit di naman kinante ang di mabilang pa sa dami na sakla den doon lalo na sa Sanja Mayor, Daang Amaya 2, Daang Amaya 1, Poblacion 2 one way, Poblacion 1, Julugan VI, Julugan VII, Julugan VIII at iba pa, nina Santiago/ Tanggoy, Eric Turok at bata-bata ng gobernador kuno, mga sakla den ng mga ito sa Indang at sakla joint ni Aileen Landi sa GMA.

Sa madaling salita halatang “palabas, moro-moro, at lutong Macao” ang raid kaya dapat na paimbestigahan ito ni Gen. Nartatez Jr.at ilunsad tunay na malawakan at matinding anti-sakla at iba pang vices sa CALABARZON area.

Sa Batangas, walang aksyon si Provincial Director P/Col Soliba sa inerereklamong saklaan nina Tisoy at Nonit malapit lamang sa PGMCI Rural Bank, sa Gen. Malvar Street, Padre Garcia.

Ang dalawa rin ang nag-ooperate ng STL con-jueteng at STl con-drug sa lahat na barangay ng nasabing bayan na pinamumunuan ni Mayora Celsa Braga-Rivera. Sa Tanauan City tuloy ang operasyon ng STL bookies/ drug nina Ocampo, Cristy, Bagsic at 30 pang kapwa ng mga ito jueteng con drug maintainer.

Ang huklubang si Estole at Aying naman ang nagpapatakbo ng sakla sa mga burol ng patay at mga komunidad ng 72 barangay sa Lipa City. May pasakla din sa loob ng Tombol Cockpit sa bayan ng Rosario na nasa liderato ni Mayor Leovy Morpe si Marivic at ang kalaguyo nitong pulis.

May mga saklaan din sa mga barangay ng Sta Clara, San Roque, San Pedro, San Francisco, at Sta Maria sina Marasigan, Timmy at Magsino na nagpapakilalang tauhan ng alkalde ng Sto Tomas City.

Mas talamak ang sakla operation sa hurisdiksyon ni Laguna PNP Provincial Director Col. Randy Glenn Silvio, katunayan ay may mga saklaan sina Jayson alias Bok sa Calamba City, Joan, Jenny at Robert sa Cabuyao City, Rose sa Poblacion Los Banos, Sgt. Oruga- Bagong Karsada, Calamba City, Castillo sa bayan ng Bay, Ronnie at Junjun sa Brgy. Aplaya, Calamba City, Leviste at Ferdie sa Liliw, Nagcarlan at Victoria, Rose sa Victoria at Nagcarlan, Castillo at Gary sa San Pablo City, Katimbang sa Rizal at Bong sa Sta. Rosa, Cabuyao, Calamba City at San Pablo City.

Hindi pa marahil alam ni PNP Chief, Rodolfo Azurin Jr. ang mga nagaganap na kawalanghiyaang ito sa CALABARZON na tahasang bumabalewala sa kontra-kriminalidad, droga at illegal na bisyo ni Gen. Nartatez Jr. Talaga namang nakakahiya sila!

***

Para sa komento: sianing52@gmail.com; cp # 09664066144

 

 

 

The post MAYORA SANDOVAL, COL. DARO UMAKSYON VS PERGALAN, GEN NARTATEZ JR. NAPAGLALALANGAN! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAYORA SANDOVAL, COL. DARO UMAKSYON VS PERGALAN, GEN NARTATEZ JR. NAPAGLALALANGAN! MAYORA SANDOVAL, COL. DARO UMAKSYON VS PERGALAN, GEN NARTATEZ JR. NAPAGLALALANGAN! Reviewed by misfitgympal on Disyembre 05, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.