Facebook

Minero nalibing ng buhay sa gumuhong kuweba

PATAY ang isang minero nang makulong at matabunan ng gumuhong kuweba sa bayan ng Pasil, Kalinga, Linggo ng umaga.

Kinilala ni Pasil Police Station (PPS) chief Major Garry Gayamos ang biktima na si Milnar Bag-ayan, ng nasabing bayan.

Sa report, nasa loob ng kuweba ang biktima na matatagpuan sa Barangay Galdang nang bigla itong gumuho 6:01 ng umaga.

Agad na humingi ng tulong ang mga kasamahan nito at ilang oras narekober ang bangkay ng biktima ng emergency response team ng Pasil.

Dinala na ang katawan ng biktima sa kanilang bahay sa Barangay Galdang.

The post Minero nalibing ng buhay sa gumuhong kuweba appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Minero nalibing ng buhay sa gumuhong kuweba Minero nalibing ng buhay sa gumuhong kuweba Reviewed by misfitgympal on Disyembre 06, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.