Facebook

Mylene ‘di pa rin naniniwala sa kasal

Ni ARCHIE LIAO

NAPAPANAHON ang temang tinatalakay sa pelikulang “Family Matters” tungkol sa relasyon ng mag-anak.
Isa na rito ang tungkol sa papel o katungkulan ng isang anak sa kanyang magulang.
May mga naniniwala kasing kung tungkulin ng isang magulang na bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak, bilang pagtanaw ng utang na loob ay may responsibilidad din ang mga anak sa alagaan ang kanilang mga magulang sa pagtanda ng mga ito.
Para naman sa premyadong aktres na si Mylene Dizon, iba ang kanyang pananaw sa mga bagay na ito.
Bilang ina, iba raw kasi ang pagpapalaki niya sa kanyang mga anak.
“There are three different things here. There is our obligation to take care of our parents because they are our parents, but in the true sense, not really obligations. Either you want to do it or you do not want to do it,” aniya.
Hindi rin daw solb si Mylene sa ideya ng ibang parents na nag-aanak dahil umaasa silang pagiginhawain sila ng kanilang mga supling.
“There’s another thing when we make our children as in investment to secure our future, that’s wrong! For me definitely that’s wrong, super wrong. That’s not the obligation of the children,” paliwanag niya. “I will never obligate my children, hindi ako maniningil, I’ve never do that but I’d rather advise my children to take care of their family in the future and to be better parents,” dugtong niya.
Tungkol naman sa pagpapalaki sa kanyang mga anak na sina Tomas at Lucas sa ex na si Paolo Paraiso, ani, Mylene, maganda raw ang samahan nilang mag-iina.
Parang barkada raw kasi kung ituring niya ang mga ito kaya very open din ang linya ng komunikasyon sa kanilang pamilya.
Katunayan, isang cool mom daw siya at close maging sa daughters ng kanyang partner na si Jason Webb na sina Gabrielle Blessing at Tatiana.
Hirit pa niya, mula rin daw nang maghiwalay sila ni Paolo, wala raw namang nagbago dahil nanatili silang magkaibigan.
Maganda rin daw ang co-parenting agreeement nila pagdating sa kanilang dalawang anak na lalake.
Sa nabalitaan naman niyang engagement ni Paolo sa kanyang fiancée na si Jessica Sto. Domingo, isa raw siya mga natuwa at unang bumati sa ex.
“I congratulated him. I’m happy kasi nahanap na niya ang magiging lifetime partner niya,” pakli niya.
Hirit pa niya, malapit din daw siya kay Jessica dahil ilang beses na niya itong naka-bonding sa ibang family gatherings.
Tungkol naman sa pag-aasawa, hindi pa rin daw nagbabago ang stand niya.
“I’m not the marrying kind. I think, it’s not for me,” pagtatapos ni Mylene.
Si Mylene ay mapapanood sa MMFF entry na “Family Matters” na mapapanood na sa mga sinehan simula sa Disyembre 25, Araw ng Pasko.
Mula sa direksyon ni Nuel Naval at iskrip ni Mel Mendoza-del Rosario, kasama rin sa cast sina Noel Trinidad, Liza Lorena, Nonie Buencamino, Agot Isidro,James Blanco, Nikki Valdez, JC Santos, Ana Luna, Ina Feleo, Ketchup Eusebio, Roxanne Guinoo, at Ian Pangilinan.

The post Mylene ‘di pa rin naniniwala sa kasal appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mylene ‘di pa rin naniniwala sa kasal Mylene ‘di pa rin naniniwala sa kasal Reviewed by misfitgympal on Disyembre 19, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.