Facebook

Tigok na si Joma, wala nang kalaban ang AFP, ‘di na kailangan ang NTF-ELCAC

NGAYONG sumakabilang-buhay na ang ‘enemy number 1’ ng estado na si Joma Sison, ang founder ng partido komunista sa Pilipinas at may kontrol sa armadong grupo na New People’s Army (NPA), wala nang kalaban ang Armed Forces of the Philippines (AFP), at wala nang rason para ipagpatuloy pa ang napakalaking pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Si Sison ay pumanaw sa edad na 83 sa Netherlands. Siya ang sakit ng ulo ng gobyerno ng Pilipinas simula nang itatag niya ang Communist Party of the Philippines (CPP) noong December 1968.

Ngayong wala na si Joma, ibig sabihin ay malulusaw narin ang CPP at tuluyan nang babagsak ang sandatahan nitong NPA? Wala nang sakit ng ulo ang AFP kapag nangyari ito. Mismo!

Eversince kasi ay ang CPP-NPA lang ang sakit ng ulo ng AFP at Philippine National Police. Kaya nga patuloy itong nagpapalakas kahit iilan lang naman daw ang miyembro ng NPA. Nagtatag pa nga ang gobyerno ng NTF-ELCAC, na may pondong P10 bilyon para sa taon 2023, na dudurog daw sa mga rebelde.

Pero ngayong wala na si Joma at iilan nalang daw ang NPA, sabi ng AFP at PNP, ano pang rason para pondohan ng bilyon-bilyong piso ang combatants ng AFP, PNP at NTF-ELCAC?

Kasi kung sa pagdepensa sa ating karagatan, dedma ang gobyerno tulad ng pagsakop ng China sa ilang bahura ng Pilipinas sa West Philippine Sea. CPP-NPA lang talaga ang binabangga ng AFP at PNP. Hindi nga nito kinokonsider na banta ang mga bandido sa Mindanao eh. NPA lang ang pokus ng 130,000-strong AFP at 220,000-PNP personnel laban sa wala pa raw isanlibong rebelde.

Ang NTF-ELCAC ay dapat dapat buwagin na ito. Dagdag gastos lang ito sa gobyerno. Ang napakalaking pondo para rito ay ibigay nalang sa sektor ng agrikultura at edukasyon, at ipaubaya nalang ang pondo sa local governments para sa developments ng kanilang bayan.

Sa totoo lang, nagsiyaman na ang mga naging opisyal ng NTF-ELCAC. Yes! Isailalim nyo sa lifestyle check ang mga naging opisyal nito, makikita nyong mga nasa mamahalimg condo at subdivision na sila nakatira.

Itong NTF-ELCAC, na nabuo sa administrasyon ni Rody Duterte, ay nagkaroon ng pondong P19.2 billion noong 2020, sumunod ay P16.44 billion (2021), P17.1 billion nitong 2022, at P10 billion sa 2023.

Sa kabila ng napakalaking pondong ito na dumaan sa tanggapan ng NTF-ELCAC, hindi naman nangyaring napaayos nila ang mga lugar na anila’y pinamumugaran ng mga NPA.

Actually, ang trabaho ng NTF-ELCAC na pag-develop kuno sa mga rebel-infested areas ay trabaho ng kongresista, gobernador at mga mayor. Mismo!

Kaya kung ako kay Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr., isama ko sa rightsizing ang pagbuwag sa NTF-ELCAC.

Again, ano pa ang magiging trabaho ng AFP ngayong wala na si Joma?

Sabi ng isang batikang journalist na si Manny Magato, dapat alisan narin ng pondo ang AFP kasi wala nang kalaban. Hehe…

Limang araw nalang pala, PASKO NA! Ehem…

The post Tigok na si Joma, wala nang kalaban ang AFP, ‘di na kailangan ang NTF-ELCAC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tigok na si Joma, wala nang kalaban ang AFP, ‘di na kailangan ang NTF-ELCAC Tigok na si Joma, wala nang kalaban ang AFP, ‘di na kailangan ang NTF-ELCAC Reviewed by misfitgympal on Disyembre 19, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.