NAGKAROON pa ng 71 karagdagang kaso ng fireworks-related injury na naitala mula nitong Linggo, Jan.1, mula sa 61 DoH sentinel hospitals.
Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pinsala dulot ng paputok ay nasa 211 na, mas mataas ng 16% kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa parehong panahon.
Naglabas naman ng paalala ang Department of Health (DoH) upang maging ligtas sa mga paputok na naiwan sa mga daanan o mga lugar.
Ayon sa DoH, linisin ang kapiligiran sa maayos at ligtas na pamamaraan. Huwag pulutin gamit ng kamay ang mga makikitang natirang mga paputok sa daan, at bantayan ang mga bata para hindi nila isubo o paglaruan ang mga ito.
At kung nasugatan man dahil sa paputok, pumunta agad sa pinakamalapit na health facility upang mabigyan ng tamang lunas.
Apela ng Kagawaran, sa susunod na taon pagsumikapan at obserbahan ang mas ligtas na pagdiwang ng bagong taon para sa isang #HealthyPilipinas! (Jocelyn Tabangcura-Domenden)
The post 211 na nasugatan sa paputok appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: