KINUMPIRMA ni Japanese pound-for-pound superstar Naoya Inoue na babakantihin ang kaniyang WBC, WBA, WBO at IBF world bantamweight titles.
Ito ay dahil balak niyang umakya sa 122-pound division ngayon taon.
Ayon kay Inoue na wala ng challenge sa 118-pound division.
Ang nasabing hakbang ay nangangahulugan na mayroong tsansa ang ilang mga Filipino boxers na sina Vincent Astrolabio, Jerwin Ancajas at Reymart Gaballo para makuha ang binakanteng titulo.
Mayroong record si Inoue na 24 panalo at walang talo na mayroong 21 knockouts bilang professional boxer.
Naagaw niya ang WBC bantamweight world title ng patumbahin niya si Nonito Donaire Jr noong Hunyo 2022.
The post Japanese boxing star Naoya Inoue aakyat ng timbang appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: