Facebook

Mga IP’s inayudahn ng mga negosyente ng Bulacan

Sa kahilingan ng mga kasundaluhan ng 70 infantry delta force na nakadistino malapit sa kinaroroonan ng mga katutubo, lumapit ang mga ito sa grupo ng mga negosyante na tumutulong sa mga kapatid natin nangangailangan.

Agad naman tumugon ang grupo nitong sina SLSJ Trucking ni Solomon Jover, FC Scrap Trading ni Joyce D. Alcanzo Alee Rendiring ni Micheal Miranda at skin Tone spa & salon.

Napag-alaman, na ito na ang ika-anim na taon nagsasagawa ng tulong sa mga kapatid na mahihirap ang grupong ito sa Bulacan.

Hindi alintana ang sama nang magtungo ang grupo sa kinaroroonan ng mga Katutubong Dumagat sa kabundukan ng Sitio Karome, Barangay San Isidro, San Jose Del Monte, Bulacan nitong Linggo ng umaga (Jan.07, 2023).

Lulan ng malaking truck ang mga bigas grocery items, mineral waters at mga gamot para sa mihigit 300 dumagat ang tinatayang mabibiyayaan ng isinagawang Outreach Program ng grupo kasabay ang pinagsanib na pwersa ng militar at kapulisan para umalalay sa convoy at kapayapaan sa isinagawang programa ng grupo ng mga negosyante ng Bulacan.

Samantala, pinasalamatan naman ng mga lokal ng pamahalaan ng San Jose Del Monte Bulacan ang ginawang pagsuporta ng grupo ito sa mga kapatid natin Dumagat. (Fred L.Salcedo/Ernie dela Cruz)

The post Mga IP’s inayudahn ng mga negosyente ng Bulacan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga IP’s inayudahn ng mga negosyente ng Bulacan Mga IP’s inayudahn ng mga negosyente ng Bulacan Reviewed by misfitgympal on Enero 08, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.