Facebook

P261m smuggled white sugar nasabat sa Port of Batangas

KINUMPISKA ng Bureau of Customs ang smuggled na asukal na may bigat na 4,000 tonelada ng Thailand white refined sugar na nagkakahalaga ng hanggang P261 million na isinakay sa barkong MV Sunward na nakaangkorahe sa dagat na sakop ng Port of Batangas nitong Sabado, January 14 ng taon.

Ayon sa ipinadalang report ni BOC Port of Batangas District Collector, Atty. Maria Rhea M. Gregorio, sa opisina ni BOC Commisioner Felimon Yogi Ruiz, dumating sa Batangas Port ang MV Sunward na walang maipakitang ‘notice of arrival’ na labag sa batas sa ilalim ng customs laws, rules and regulations.

Base rin sa ipinrisintang report ng Sugar Regulatory Administration, bigo magpakita ng ‘import permit’ ang kapitan ng barko sa mga asukal na nakalagay sa 80,000 bags.

Dahil sa kakulangan sa mga dokumento ay agad nag-isyu si Gregorio ng ‘Warrant of Seizure and Detention’ dahil sa paglabag ng naturang barko sa Customs Modernization and Tarrif Act Law na may kaugnayan sa Department of Agriculture-Sugar Regulatory Administration at Bureau of Plant and Industry Rules and Regulations at Republic Act 10845 (Agricultural Smuggling Act of 2016) at Food Safety Act. of 2013.(KOI LAURA)

The post P261m smuggled white sugar nasabat sa Port of Batangas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P261m smuggled white sugar nasabat sa Port of Batangas P261m smuggled white sugar nasabat sa Port of Batangas Reviewed by misfitgympal on Enero 16, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.