Facebook

Pamamahagi ng fuel subsidy sa mga tricycle drivers umarangkada na

NAGSIMULA na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) katuwang ang state-run Land bank of the Philippines sa pamamahagi ng fuel subsidy sa mahigit 10,000 kwalipikadong tricycle drivers.

Nakapaglabas na ang Landbank ng kabuuang P10.3 million para sa fuel subsidies ng mga tricycle drivers sa buong bansa na makakatanggap ng P1,000 bawat isa.

Ang mga benepisyaryo ay mula sa Metro Manila, Central Luzon at Ilocos Region.

Layunin nito na mapabilis ang pagbibigay ng suporta para sa public utility vehicle drivers na apektado ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Maaaring ma-claim ng lahat ng eligible na tricycle drivers ang kanilang fuel subsidies sa pamamagitan ng over-the-counter transactions at sa designated Landbank branches.

The post Pamamahagi ng fuel subsidy sa mga tricycle drivers umarangkada na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pamamahagi ng fuel subsidy sa mga tricycle drivers umarangkada na Pamamahagi ng fuel subsidy sa mga tricycle drivers umarangkada na Reviewed by misfitgympal on Enero 12, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.