Uhaw daw pala sa pagbabago ang mga residente ng Brgy. San isidro, Antipolo City, Rizal.
Aba’y nananawagan kasi sila ng reporma sa pamamahala sa kanilang lugar.
Sabi nga ng ilang grupo ng mga senior citizen at kabataan, nais nilang magkaroon ng bagong lider sa kanilang barangay para maiba naman daw at umunlad ang kanilang komunidad.
Ito nga raw ang dahilan kaya hinihikayat nila ang beteranong mamamahayag na si Ka Rex Cayanong na tumakbo sa pagka-kapitan ng barangay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre ngayong taon.
Tila dinastiya na raw ang nangyayari sa Brgy. San Isidro.
Ang siste, halos 30 taon nang nagpapalitan at nagpapasahan daw ng puwesto ang isang clan.
Ang masaklap, sinasabing wala naman daw palang nararamdamang pag-unlad ang mga residente.
Nasangkot pa raw sa kuwestiyunableng hatian sa ayuda ang nakaupong kapitan ng Brgy. San Isidro noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic?
Well, sa palagay ko at sang-ayon na rin sa pahayag ng mga taga-San Isidro, aba’y hinog na naman sa karanasan itong si Cayanong.
Handang-handa rin ang mama na magsilbi para sa kapakanan ng mga mamamayan sa kanilang lugar.
Sakaling mabigyan naman daw ng pagkakataong makapaglingkod, nangako si Cayanong ng patas na pagbibigay ng serbisyo, lalo na sa nangangailangan, bilang bagong boses ng kanilang barangay.
Samantala, good news dahil tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya at indibidwal na apektado ng pagbaha dulot ng malakas na ulan sa MIMAROPA o Region 4-B.
Ayon nga sa Presidential Communications Office (PCO), base na rin sa datos ng DSWD [as of January 5,2023] ay mahigit P2.1 milyon na halaga ng tulong mula sa ahensya, lokal na pamahalaan, at iba pang organisasyon ang naihatid sa mga residente.
Siyempre, kabilang daw sa mga naayudahan ay ang mga pamilyang apektado na nasa evacuation centers at mga nakikituloy sa ibang kaanak at kaibigan sa nasabing rehiyon.
Maliban dito, may nakalaan ding pondo para sa family food packs at mga pangunahing kagamitan na ipamamahagi sa mga nangangailangan ng tulong mula sa DSWD.
Good job, officer-in-charge Usec. Edu Punay, at sa buong pwersa ng DSWD.
Mabuhay po kayo at God bless, mga bossing!
***
Katuwang ang SM Foundation at iba pa, ang “Barangay 882” radio program ng inyong lingkod ay matutunghayan sa IZTV Channel 23, DWIZ AM Radio, DWIZ 882 FB page, at DWIZ ON-DEMAND sa Youtube tuwing araw ng Sabado sa ganap na alas-4:00 hanggang alas-5:00 ng hapon. Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, etc., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-DM sa aking Facebook account (Gilbert Laguna Perdez), Twitter, Instagram, at sa FB page na ‘Gilbert Perdez’. Paki-subscribe na rin ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Salamat po at stay safe!
The post UHAW SA PAGBABAGO ANG BRGY. SAN ISIDRO, ANTIPOLO AT TULOY-TULOY ANG PAMAMAHAGI NG AYUDA NG DSWD appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: