Facebook

WANTED CALABARZON POLICE DIRECTOR!

WALANG dudang seryoso si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos na linisin ang mga tinatawag na “bad egg o scalawag” sa Philippine National Police (PNP) na sumisira sa imahe ng kapulisan, kaya hiniling ni Abalos na magsumite ng courtesy resignation ang mga third level official o mga heneral at full colonel para sa pagpapatuloy ng pinaigting na internal cleansing sa hanay ng pulisya na ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Mahigit na 950 sa may 996 na heneral at colonel na ang tumalima sa resignation call ni Sec. Abalos, subalit hindi pa pinangalanan ang lahat ng mga ito ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. na kauna-unahang top police official na nagbitiw mula nang ianunsyo ng DILG Secretary ang hiling na courtesy resignation ng mga third level police official. Isasailalim din sa lifestyle check ang mga naturang police official.

Ang hiling na courtesy resignation ng butihing kalihim ng DILG ay bunsod ng lumalalang problema sa droga sa bansa na noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay tumamlay dahil sa utos niyang all-out war laban sa illegal drug na walang sinisino, maging awtoridad man o sindikato ng droga.

Bumuo na ng lima kataong probe team si Sec. Abalos, isa rito ay si Baguio City Mayor Benjie Magalong na dating CIDG Director na mag-iimbestiga sa mga heneral at colonel para masukat kung sila ay dapat na manatili sa kanilang puwesto bilang panimulang paglilinis sa hanay ng PNP na patuloy na bumabaho dahil sa pagkakasangkot ng ilang opisyales at kawani sa illegal drug at iba pang kailigalan tulad ng gambling sa ngalan ng tongpats.

Numero unong target ng five-man probe team na silipin ang mga regional at provincial commander, city police at municipal head ng mga operating unit, tulad ng Criminal Investigation Division and Detection Group (CIDG) na ang pangunahing trabaho ay tugisin ang mga lumalabag sa batas, mga kriminal at iligalista.

Isa sa rehiyon na napakagulo dahil ang illegal drug at gambling ay lantaran, parang kabute sa dami kung ilarawan, ay ang Region 4A CALABARZON area, binubuo ito ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na ang Regional Commander ay si BGen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Ang problema sa illegal drug at gambling ay paulit-ulit na ring ipinanawagang solusyunan maging ng mga crime at vice crusaders group dahil sa sumbong at reklamo ng taong bayan sa mga idinadaing na bentahan ng shabu at namamayagpag na sugalan tulad ng STL-con jueteng, sakla, pergalan (perya at sugalan) lotteng, iba pang uri ng iligal na bisyo at maging paihi o buriki ay dinededma lamang ng mga pinagkakatiwalaang opisyales ni BGen. Nartatez Jr. na mistulang nagtetengang kawali at ayaw kumilos.

Ayon sa mga crime/ vice crusader, mahina ang liderato ni BGen. Nartatez Jr., na tila bulag, pipi at bingi sa mga problema ng lipunan, kaya ang panawagan nila “wanted police director na magtatrabaho, kikilos at aaksyon”!

NARTATEZ JR., OLAZO, SOLIBA AT SILVIO, NASISISI SA SAKLA AT PERGALAN OPS
MATAGAL nang inirerekalamo ang mga operasyon ng sakla sa mga bayan ng Magallanes at Naic sa Cavite subalit nagtetengang kawali nga, hindi umaaksyon si BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. at Cavite OIC PNP Provincial Director Christopher Olazo sa mga sumbong ng Caviteno kaya pati si PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. ay nadadamay na rin sa galit ng mga mamamayan.

Ganito din ang reklamo laban sa saklaan sa Malvar Street, Poblacion Padre Garcia sa lalawigan naman ng Batangas na kahit 24/7 ang operasyon ng sakla den doon ay di naman ipinahuhuli ang mga drug pusher din na operator na sina alias Tisoy at Nonit.

Katabi ng nasabing saklaan ay ang rebisahan ng STL -con jueteng na ang dalawa (Tisoy at Nonit) din ang nagpapatakbo ngunit di napapaaksyunan ni Batangas Provincial Director Pedro Soliba sa kanyang Police Chief na si Major El Cid Villanueva. Posible nga kayang kakutsaba nina Tisoy at Nonit ang dalawa (PBG Nartatez Jr. at Col Soliba) kaya di umaaksyon?

Sa bayan ng Tuy, sa naturan ding lalawigan ay mahigpit ang panawagan ng mga residente ng Brgy. Putol na ipasara ang pergalan ng isang Janog na nasa tabi lamang ng kanilang barangay basketball court. Pati mga batang nagsisipaglaro ay nababaling ang atensyon sa pagsusugal ng color games, beto-beto, drop balls, at iba pang uri ng card at table game sa naturang pergalan, ngunit kahit ang police chief doon ay di umaaksyon para maipaaresto ang operator ng nasabing pergalan. Si Col. Soliba din at RD Nartatez Jr.ang tinatamaan dahil sa katamaran o pangungunsinte ngTuy local police chief?

Ang mga pergalan naman na matagal na ding inirereklamo ng mga residente ay ang ino-operate sa Brgy. Lodlod at Brgy. Mabini, Lipa City ng magkasosyong Jobelle at Aling Mely; Brgy. Loyus, Tanauan City ng isang Agnes; Brgy. Pagaspas ng isang Nikki Bakla, Brgy. Pinagtong-olan sa siyudad ng Lipa ng isang Glenda; Brgy. Pansol, bayan ng Padre Garcia at Brgy. Bulihan ng bayan ng Rosario na pinatatakbo ng isang Venice. Wala ring aksyon laban sa mga operator nito si PD Soliba, bakit, may cash-unduan kaya?

Ang mga saklaan na tampok din ng pagkondena ng grupo ng anti-crime/ vice crusaders ay ang pinatatakbo sa mga siyudad at munisipalidad ng lalawigan ng Laguna na di naman napa-aaksyunan nina BGen. Nartatez Jr.at Laguna PNP Provincial Director Col. Randy Glenn Silvio.

Ang mga ito ay ang pinatatakbo ni Jayson at Bok sa Brgy. Bobuyan Calamba City; Joan at Robert sa Tiffany Subdivsion, Cabuyao City; Sgt. Oruga sa Bagong Karsada, Calamba City; Jun Casti sa bayan ng Bay; Jenny sa Cabuyao City; Bong- Sta Rosa, Binan, Calamba City, San Pablo City at Los Banos; Leviste sa Nagcarlan, Liliw at Victoria; Katimbang sa bayan ng Rizal at iba pang mga saklaan sa San Pablo City.

Gasgas ang pangalan ni PD Silvio sa mga naturang saklaan dahil sa weekly tong koleksyon ng isang alias Sgt. Corpuz aka Butch na komokolekta din ng tongpats sa mga pergalan operator na sina Noni sa Brgy. Masapan; Melvin sa Brgy. San Roque kapwa sa bayan ng Victoria; Aris sa Lucban, San Pablo City; Arnel sa Cabuyao; Judith sa Brgy. Balibago at Calamba City Proper at iba pang pergalista sa San Pedro City, Sta Rosa City, Binan, Pagsanjan, Bay, Jake ng Lumban at sa may 30 iba pang kapitalista ng pergalan (perya at sugalan) sa Laguna.

Ang mga drug/gambling din na ito ang tukoy na pugad ng bentahan ng shabu sa hurisdiskyon ni RD Nartataez Jr., kaya di malayong siya at ang kanyang mga provincial director ay malagay sa balag ng alanganin kapag sinimulan na ng five-man probe team ang kanilang pagsisiyasat. Malamang ay tanggapin na nina Pangulong Bongbong Marcos Jr. at Sec. Abalos ang permanenteng pagbibitiw sa kanilang puwesto nina RD Nartatez Jr., Col. Soliba, Col. Olazo at Col. Silvio para palitan sila ng masisipag at determinadong magtrabahong mga opisyales.

***

Para sa komento: sianing52@gmail.com/09664066144.

The post WANTED CALABARZON POLICE DIRECTOR! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
WANTED CALABARZON POLICE DIRECTOR! WANTED CALABARZON POLICE DIRECTOR! Reviewed by misfitgympal on Enero 14, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.