NANGAKO ang Filipino – American Ruben Gonzales na maglalaro para sa Philippine tennis team sa parating na Southeast Asian (SEA) Games sa Cambodia.
“Yes, I am playing SEA Games and I am always shooting for gold,” Wika ng the 37-year-old Gonzales sa online interview Miyerkules.
Nitong Linggo, narating nya ang career-best doubles ranking na No. 120 matapos ang runner-up finish sa Association of Tennis Professionals (ATP) Challenger sa Manama, Bahrain.
Seeded fourth sa USD 125,000 event, Gonzales at Brazilian partner Fernando Romboli ay natalo sa third seeds Patrick Niklas Salminen ng Finland at Bart Stevens ng Netherlands, 3-6,4-6.
Patungo sa finals, Pinataob nina Gonzales at Romboli sina Toshihide Matsui at Kaito Uesugi ng Japan, 7-6,6-7, (7), 10-6 Andrea Arnaboldi ng Italy at Alexandre Muller ong France, 7-6 (4), 6-2; at top seeds Roman Jebavy ng Czech Republic at Jonny O’Mara ng United Kingdom, 7-5, 4-6, 10-5.
“I’m really proud that all my hard work is paying off! And this, I have only played three tournaments this year and already two finals! However, there are still a lot of work to do and a lot to improve on. But really grateful for the start of the year that I’ve had,”Sambit ni Gonzales, na nagbulsa ng 3 ATP Challenger titles ngayon taon.
Naglaro na No.2 seeds sa Tenerife Challenger 3 sa Spain nakarang Linggo, Gonzales at Romboli ay nalaglag sa semifinals kontra No.4 seeds Andrew Harris ng Australia at Christian Harrison ng United States, 2-6,4-6.
Noong Enero, Gonzales at American Reese Stalder ay sumampa sa final round ng Cleveland Open.
Gayunpaman, nabigo sila kina American Robert Galloway at Mexican Hach Verdugo, 3-6,7-5,10-6.
“I will play at least 12 ATP Challengers before the SEA Games. I will try to prepare as best as I can,” Tugon ng the 6-foot-0 Gonzales, na muling makipag-team up kay Stalder sa USD125,000 ATP Challenger sa Monterrey, Mexico simula sa Huwebes.
Gonzales na isinilang sa Chicago,Illinois at lumaki sa Indiana, ay kinatawan ang Pilipinas sa major tournaments, gaya ng Davis Cup, Asian Games at SEA Games.
The post PH netter Gonzales puntirya ang gold medal sa Cambodia SEA Games appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: