NAGING kontrobersiya ang paglalagay ng mga boya (mga de kulay na palutang) ng ating Philippine Coast Guard sa mga hangganan ng ating mga teritoryo sa karagatan ng West Philippine Sea.
Agad nagparamdam ang China sa pagpapalayag nito ng kanilang mga ‘research ships’ sa paligid ng Spratly Islands upang makita ang mga kinalalagyan ng ating mga boya. Ang bansang Vietnam naman ay agad nagpahayag na ang mga aksiyong ito ng China at ng Pinas daw ay paglabag sa kanilang kasarinlan.
Ang mga Tsengwa at Vietkong ay parehong nangengelam sa parte ng karagatan na yan, at sinasabing parte ng kanilang bansa ang mga teritoryong ito.
Tila nahihibang na ang dalawang bansang yan. Kaya nga tinawag na West Philippine Sea ang parte na yan ng karagatan ay talaga namang dahil atin yan.
Ito nga ang pinagigiitan ni National Security Council Eduardo Año – ang paglalagay ng PCG natin ng mga ‘navigational buoys’ o boya sa West Philippine Sea ay paghahayag ng ating ‘sovereignty’ o’ pag-aari sa mga parteng iyan ng karagatan’ base sa mga international law.
Natural lamang raw na gawin ng Pilipinas ito dahil bilang isang maritime nation, kailangang iprayoridad ang pangangalaga sa mga teritoryo nito. Ito ay isang obligasyon ng ano mang bansa upang protektahan ang mga parte ng karagatan nitong nasasakupan.
Kung di naman natin gagawin ito, ayon kay Año, maaari itong magdulot ng matinding sitwasyon, aksidente, pagkasira ng kalikasan at maaring pati na rin ng mga buhay. Maaari pa nga na samantalahin ng mga pirata, smuggler at mga terorista kapag nagluwag tayo sa pagbabantay ng ating mga karagatan.
Noong mga nagdaang taon ay naglagay na ng mga Ito ang ating PCG sa karagatan ng Lawak, Likas, Parola at Pag-asa. At sabi pa ni Año, bahagi ito ng ating pakikipagtulungan sa ibang bansa dahil inaatas din ito ng mga international laws para makatulong sa mga naglalayag na mga barko.
Tanda rin ito para sa malalaking barko upang di mabalaho sa mabababaw na bahagi ng ating karagatan. Ang mga boya na may nakakabit pang bandila natin ay palatandaan na ang bahagi ng karagatang iyon ay talagang sa Pilipinas at ginagawa lamang natin ang ating obligasyon sa pagsunod sa mga international law, gaya ng United Nations Convention on the Law of the Sea.
Pagpapatunay din ito na nais nating magpatuloy ang kapayapaan, siguridad at kooperasyon ng lahat ng bansa na may mga barkong naglalayag at dumadaan sa ating mga teritoryo, lalo na ng mga bansang kapitbahay natin sa Asian region.
The post MGA BOYA SA WEST PHILIPPINE SEA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: