Facebook

DRAMA SA SONA

Umabot sa isang oras at 17 minuto ang SONA ni Pangulong Marcos. May kahabaan dahil may nilinaw siya na isyu tulad ng mga target at direksyon ng pambansang ekonomiya sa buong 2023 at kahit sa susunod na limang taon ng kanyang gobyerno. Nilinaw ni Marcos ang direksyon ng kanyang pamumuno sa sektor ng pananahan (o agrikultura) at binigyan diin ang mga hakbang upang palakasin ang sektor at tugunan ang pangangailangan sa pagkain.

Maglalabas ang gobyerno ng salapi upang pautangin ang sektor ng pananakahan, gagamitin ang agham at teknolohiya upang mapalago ang produksyon ng mga manukan, palaisdaan, at babuyan, at magtatayo ng mga post-harvest at storage facility upang maging imbakan ng mga produksyon sa bansa, aniya.

Gagawa ng mga kalsada upang madala ang mga produksyon sa iba’t ibang lugar, palalakasin ang mga Kadiwa store, at pag-iibayuhin ang pagpapatupad ng agrarian reform, aniya. Binigyan diin ni Marcos ang pangangailangan ng mga bagong magsasaka an tutugon sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura.

Binanggit ni Bongbong Marcos ang pangangailangan na palakasin ang turismo sa bansa at palawakin ang serbisyo ng gobyerno sa panahon ng kalamidad. Hindi siya lumayo sa sektor ng edukasyon at binanggit ang pagrepaso sa K-12 at ang mga refresher courses sa mga guro sa pagbabalik mula sa panahon ng pandemya at pagsulpot ng mga bagong teknolohiya sa pagtuturo.

May kahabaan ang diskurso ni Marcos sa sektor na hindi binigyan ng masusing pansin ng kasalukuyang kalihim ng Deped na si Sara Duterte. Aniya: “Our children must always be equipped with the best that we can provide.Ang edukasyon ay ang tangi nating pamana sa ating mga anak na hindi mawawaldas. Kaya anumang gastusin sa kanilang pag-aaral ay hindi tayo nagtitipid. Hindi rin tayo nagtatapon.

“And once again, I am not talking about history, or what is being taught. I am talking about materials that are necessary for effective teaching in this day and age. Children now need connectivity to the internet; they need devices to use; they need computers, educational tools [applause] so that they might participate fully in the digital community here and abroad.

“We must do better in the international rankings especially when it comes to the so-called STEM subjects: Science, Technology, Engineering and Mathematics. These skills and this knowledge are necessary for our young people to be able to compete in a highly technological and competitive world. The raw talent is there in our young people. It is up to our educational system to develop and to refine that great pool of talent.”

Hindi nagsasalita ang kalihim sa direksyon ng edukasyon at mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Mas abala si Sara sa redtagging at pakikipag-away sa mga guro ng mga pampublikong paaralan. Pinakamaganda na nagbigay si Marcos ng direksyon na tatahakin ng magkasanib na paaralang pampubliko at pribado.
***
WALANG binanggit ang Pangulo tungkol sa napipintong formal investigation ng International Criminal Court (ICC) kay Gongdi at mga kasabwat kaugnay sa sakdal na crimes against humanity na iniharap nina Sonny Trillanes, Gary Alejano at pamilya ng mga biktima ng mga EJK sa madugo pero bigong giyera kontra droga. Wala siyang inilabas na anumang direktiba upang pigilan ang mga imbestigador ng ICC sa kanilang pagpasok sa bansa.

Ayon kay Marcos, hindi makikipagtulungan ang gobyerno sa ICC sa formal investigation kay Gongdi at kasabwat, ngunit hindi siya naglabas ng utos sa DFA, DoJ, mga awtoridad sa immigration, paliparan, at daungan at kahit sa mga alagad ng batas upang pigilin ang pagpasok ng mga taga-ICC sa bansa at imbestigasyon ng ICC.

Mukhang kinilala ng Pangulo ang mga obligasyon ng Filipino sa Rome Statute, ang tratado ng maraming bansa na bumuo sa ICC. Itinatadhana ng tratado na kahit kumalas na ang bansa noong 2019, hindi nangangahulugan natapos ang obligasyon ng bansa sa tratado. Nananatili ang mga obligasyon ng Filipinas sa panahon na kasaping-bansa ito mula 2011 hanggang 2019.

Kinilala ito ng Korte Supreme sa desisyon sa Pangilinan v, Cayetano noong 2021. Sisiyasatin ng ICC ang mga krimen ni Duterte sa panahon na kasaping bansa ang Filipinas sa ICC. Wala sa matwid ang Pangulo kung lalabagin niya ang utos ng Korte Suprema na kilalanin ang obligasyon ng gobyerno sa ilalim ng Rome Statute.

Kataka-taka na tanging si Gongdi ang hindi dumalo sa SONA ng Pangulo. Ipinagmagaling ni Bong Go, ang matapat na alalay at utusan, na pagod si Gongdi mula sa hindi awtorisadong biyahe sa Tsina. Naglayag si Gongdi kasama si Sara at Bong Go sa Tsina upang humalik ng kamay kay Xi Jinping, ang kanyang amo. Dumating si Erap at GMA sa SONA.

Hindi natuwa ang Pangulo sa mapangahas na biyahe ng dating pangulo. Walang malinaw na talastas kung ano ang pinag-usapan ni Gongdi at Xi. Naging bastusan sa huli ang kinalabasan ng biyahe ni Gongdi sa Tsina. Ginamit ni Xi si Gongdi upang banatan ang Estados Unidos sa pagpapalakas ng huli at mga kaaalyado sa rehiyon ng Asya.

Hindi nakipagkamay ang Pangulo kay Sara ng nagkita ang dalawang pinakamataas ng lider ng bansa sa SONA sa Batasan. Kusang nilaktawan ng Pangulo si Sara at nakipagkamay sa mga ibang babae na humilera upang magbigay galang.

May mga espekulasyon na mukhang ito na ang umpisa ng pakikipagkalas ng Pangulo sa anumang kaugnayan sa Grupong Davao City na pinamumunuan ni Gongdi at Sara. Mukhang hindi siya natutuwa na makipagpalagayang loob kay Gongdi.

***

BALIK tayo sa SONA, nilinaw ng Pangulo na hindi niya ibibigay ang anumang teritoryo ng Filipinas sa Tsina, isang malinaw na pahiwatig na hindi na umubra ang patakaran ni Gongdi noong siya ang pangulo. Aniya: “I will not preside over any process that will abandon even one square inch of territory of the Republic of the Philippines to any foreign power.”

Bilang pagsupalpal sa pagmamalabis ng mga Tsino, sinabi niya: “We will be a good neighbor – always looking for ways to collaborate and cooperate with the end goal of mutually beneficial outcomes. If we agree, we will cooperate and we will work together. And if we differ, let us talk some more until we develop a consensus.”

Dagdag niya: “After all, that is the Filipino Way. But we will not waver. We will stand firm in our independent foreign policy, with the national interest as our primordial guide. We commit to maintaining good relations with the rest of the world.

“As a matter of fact, it is my sincere belief that the need for strong bonds and collaboration among nations emerges in the direst of times, such as in a pandemic. The partnerships and alliances that we make with all will provide the stability that all nations will need as we emerge into this new global economy. The Philippines will continue to promote stronger and multi-faceted relationships with all our partners around the world.”

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post DRAMA SA SONA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DRAMA SA SONA DRAMA SA SONA Reviewed by misfitgympal on Hulyo 24, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.