Masasabi natin mga Ka Usapang HAUZ na napakasuwerte ng isang Barangay dyan sa Lungsod ng Pasig sa pagkakaroon ng mga naglilingkod na hindi de numero ang kilos at yung tinatawag na drawing pang camera ika nga.
Huwag na tayong magpaligoy ligoy pa kung bakit suwerte ang mga nanirahan mga Ka Usapang HAUZ ito ay ang Brgy. Manggahan Pasig City na pinamumunuan ni Kapitana Sheila A. De Asis, Opo babae ang Chairman dito at hindi maarte tipong para ding lalake sa mga kilos at galaw.
Bago dumating at maminsala ang Super Typhoon na si Egay ay agad na pinulong ni Kap. De Asis ang kanyang mga tauhan sa Brgy para paghandaan ang paparating na kalamidad, pinangunahan nito ang pagiikot sa kanyang mga nasasakupan para paalalahanan hinggil sa pagiingat kabilang na rin ang pag prepara sa mga relief goods, rescue teams at iba pa.
Natapos ang bagyong Egay at eto na naman ang bagyong Falcon tulad ng dati tila si Kuya Germs itong si Kapitana Shiela ang katagang “Walang Tulugan” kasama ang Team Tatak Manggahan Quality Service with a Smile ay 24/7 ang pagmo-monitor sa pagdating ng isa pang bagyo.
Awa naman ng Diyos at dahil na rin sa kasabihang Daig ng Maagap ang Masipag ay walang napaulat na nasugatan o nasawi sa pananalasa ng dalawang nagdaang bagyo maliban sa mga nagtumbahang puno at basura sa kalsada na agad namang naalis.
Ang isa pa sa dapat mabigyan ng pagkakataon na makapaglingkod ay ang mister nitong si Kapitana, ang tinaguriang Mr. Action Man Steve De Asis, wala ng dapat pang patunayan itong si Kuya Steve dahil tulad ng kanyang may bahay super sipag at matulungin, may nakapagsabi nga na magsisimba sana itong first family ng brgy. Manggahan ay sa halip na lumipat ng ibang simbahan ay walis ang kinuha at winalis ang simbahan na puno ng tubig ang sahig.
Sila ang mga tunay na lingkod bayan mga Ka Usapang HAUZ, Maka Diyos, Maka-Tao at Maka-Kalikasan, bigyan natin ng espasyo ang mga accomplishment ni Kap. De Asis, nakatanggap pala ang Brgy. Manggahan ng award bilang “Pagasa ng Kalikasan Awards nitong nakalipas na taon 3rd place Best in Greenest Award na ginawad ng City Government of Pasig eh baka sa ngayon ay mag number 1 na dahil sa dami nitong programa tungkol sa kapaligiran.
Binigyan pa ng parangal ang Brgy. Manggahan bilang isa sa Best Rabies Program Implementer at ang pagbibigay pagkilala ng Department of Agriculture sa programa nitong Manggahan Market Day (KADIWA).
Isama na rin natin mga Ka Usapang HAUZ ang iba pang proyekto ng Brgy. Manggahan sa pangunguna ni Kap. Sheila De Asis ang pagkakaroon ng Back to Back patrol vehicle, Emergency vehicle unit, Mini tanker, Boom truck, Paging system maging ang pagaalaga ng mushroom at iba pa.
Bago tayo magtapos ibalik natin kay Mr. Action Man Steve De Asis ang usapan mga Ka Usapang HAUZ balak nitong maglingkod bilang Kagawad ng Brgy. Manggahan para sa mas prodaktibong paglilingkod sa mamamayan, isama na rin natin ang isa pang nagbabalak na maglingkod sa Brgy ang sports minded Micho B Vicen sila ang grupong hindi uso ang Pahinga.
***
Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag Txt sa 09352916036
The post Hindi uso ang pahinga kina Kapitana Shiela at Steve De Asis! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: