Facebook

KATAWATAWANG KARAPATAN

TINAWANAN lamang ng dating Secretary General ng grupo ng Karapatan na naka-base sa Quezon province at ng dalawang pang mga dating miyembro ng komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF ang mga patutsada nitong mga lider ngayon ng Karapatan Partylist hinggil sa pagkakadakip sa kanilang dalawang miyembro.

Ang sabi ni Genelyn Dichoso, dating secretary general ng Karapatan, mali raw at di dapat na paniwalaan ang isinisigaw ng KARAPATAN na ang dalawang nahuling NPA sa Atimonan, Quezon kamakailan lang, ay mga health workers lamang.

Si Dischoso raw ang makakapagpatunay na sina Miguela Peniero alias “Ka Migs” at Rowena Dasig alyas “Ka Rian” ay dalawang NPA members.

Naiwan nga raw ni Dischoso ang dalawang ito nang siya ay sumuko na lamang sa hirap na kanilang nararanasan sa mga kabundukan.Mga miyembro raw ang dalawa ng ‘giyang pampulitika at kasapi ng komiteng tagapagpaganap ng probinsiya ng Quezon.’

Dichoso na matagal NG opisyal din ng Karapatan ay isa ring ‘communist cadre’ nang nahigut dalawang dekada at sumuko na noong 2021 at nakisama na sa pamahalaan gumawa ng mga istrahiya para mapalakas ang kampanya laban sa mga COP-NPA-NDF.

Bago pa nga raw siya sumuko noong April 2021 ay nagkasama pa silang tatlo sa isang pulong March dahil nga kasapi pa si Dischoso ng komiteng tagapagpaganap sa probinsiya ng Quezon.

Sinegundahan ito Lt.eutenant Colonel Joel Joson, commanding officer ng Army’s 85th Infantry Battalion, na nagsasabing sina Peniero at Dasig ay nakaditine na sa Lucena City matapos naaresto noong July 9.

Ang warrant laban sa dalawa raw ay sa isang kaso ng attempted homicide. At nahulihqn ang dalawa ng isang caliber.45 na pistola at isang cal. 38 na revolver, plus mga bomb materials pa.

Ngayon ay hinaharap na nila ang iba pang kaso ng paglabag sa Republic Act 9516 (Illegal possession of explosives) at RA 10591 (Illegal possession of firearms). Dagdag pa ni Josos,nahaharap din ang dalawang NPA sa paglabag ng RA 11479 (Anti-Terror Act of 2020) na naisampa na sa Batangas Regional Trial Court, Branch 7.

Eto ang mamingat! Nangongo na tuloy ako sa kasinungalingwn nitong Karapatan. Isang Zena Punada Segui na ngayon ay 24 anyos na, at dating batang-batang ‘child warrior’ ng NPA ay PINASINUNGALINGAN din ang claim ng KARAPATAN na mga health workers lang ang dalawang rebelde.

Ganyan daw talaga ang linyahan kapag may nahuhuli silang mga kasamahan. Ipagdidiktikan na ang mga nasa kamay ng militar ay mga aktibista o health workers lamang.

Lumulutang daw sila at nagsisuko na dahil nga walang kwenta ang pagiging miyembro ng CPP-NPA-NDF.

Ano ngayon ang say niyo mga taga-Karapatan?

The post KATAWATAWANG KARAPATAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KATAWATAWANG KARAPATAN KATAWATAWANG KARAPATAN Reviewed by misfitgympal on Hulyo 26, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.