Binigyang-diin ni Senador Christopher “Bong” Go ang pangangailangan ng katotohanan, kasunod ng kontrobersyal na pagbibitiw ng tatlong heneral at labinlimang koronel ng Philippine National Police (PNP).
Magugunitang nagbitiw sa puwesto ang matataas na opisyal matapos lumabas ang mga alegasyon ng pagkakasangkot sa mga aktibidad ng ilegal na droga, na nag-udyok kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tanggapin ang kanilang mga pagbibitiw.
Sa isang panayam noong Hulyo 26, matapos tulungan ang mga biktima ng sunog sa Parañaque City, ibinangon ni Go ang kanyang pagkabahala sa posibleng implikasyon ng pagbibitiw ng mga opisyal, upang humingi ng kaliwanagan sa insidente at igiit ang nararapat na proseso para sa mga akusado na opisyal.
“Alam n’yo, tayo naman po, dapat noon pa sa panahon ni (dating) pangulong (Rodrigo) Duterte, zero tolerance tayo pagdating sa kampanya natin laban sa illegal na droga,” ayon kay Go.
“Kung totoong may kasalanan, papanagutin, not only resignation, kasuhan kung talagang involved sa droga,” binigyan diin pa nito.
“Dapat po ay ma-prove na talagang sila ang involved dito. Kawawa naman kung hindi talaga sila involved dito. Kung walang kasalanan, there is due process po. Dapat munang i-prove nila kung talagang may kasalanan ang mga ito,” paglilinaw niya. .
Binigyang-diin din ng senador ang pangangailangan ng transparency sa proseso ng imbestigasyon.
“Kung sino man po ang nag-assess nito, anong proseso ang pinagdaanan nito, dapat po ay ilantad, ilabas ang katotohanan,” apela ni Go.
Reaffirming the public’s right to the truth, sinabi ni Go, “ang gusto pong malaman ng mga kababayan natin ay katotohanan lamang. The truth kung sino po ang may kasalanan ay papanagutan po.” Sa kanyang ikalawang State of the Nation Address, nangako si Pangulong Marcos na tatanggapin ang mga pagbibitiw mula sa mga tiwaling tagapagpatupad ng batas na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga, isang pangakong pinanindigan niya sa mga kamakailang dismissal. Sa isang hakbang patungo sa transparency, ibinunyag ng Malacañang ang mga pangalan ng 18 PNP generals at colonels na nagbitiw.(Boy Celario)
The post ‘Kung totoong may kasalanan, dapat panagutin’ – Sen. Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: