Facebook

PANGKABUHAYAN UMAARYA SA ANTIPOLO CITY!

Sa paglipas ng COVID-19 PANDEMIC ay UMAARYA na ngayon at patuloy sa pagsigla ang mga pangkabuhayan partikular na ang SMALL AND MEDIUM ENTERPRISE (SME) sa ANTIPOLO CITY.

Sa dinanas na PANDEMIC ay may ilang pagnenegosyo ang nagsara at ngayon ay nagsisipagbukas na at may mga bagong pagnenegosyo pa
na makikita hindi lamang sa loobang bahagi ng lungsod kundi pati na rin sa mga lugar na may potensyal na maging matao tulad na lamang ng nasa palibot ng YNARES CENTER na katabi ng PROVINCIAL CAPITOL.

Sa impormasyong natanggap mula sa ARYA BEES.., magkakaroon daw ng MAJOR REPAIR ang YNARES CENTER dahil natengga ito sa panahon ng pandemic na hindi ito nagamit sa anumang mga aktibidades. ., gayunman, bago ang MAJOR REPAIR ay nagamit nitong nagdaang araw hanggang kahapon ang YNARES CENTER dahil naglunsad ng malakihang pagtitipon para sa ANNUAL CONVENTION ang mga SAKSI NI JEHOVA na ang tema sa kanilang pagtitipon ay “MAGING MATIISIN”.

Ang mga delegado o mga nagsidalong miyembro ay nagmula sa mga bayan ng ANGONO, BINANGONAN, CARDONA, TAYTAY, CAINTA at ilang bahagi mula sa ANTIPOLO CITY at PASIG CITY.

Sa naging panayam ng ilang MEDIA PRACTITIONERS ay naihayag ni ALLAN TUNGIA, COMMITTEE CHAIRMAN ng nasabing kombensiyon na nasa 8,000 ang nagsidalo sa kanilang naging okasyon.

“Tampok na bahagi sa aming kombensyon ay ang bawtismo sa tubig Sabado ng umaga sa mga bagong miyembro at ang magkasunod na araw na salig-Bibliyang drama,” pahayag ni TUNGIA na ang kanilang naging pagtitipon ay kinapalooban ng video clips at simposyum patungkol sa pagiging MATIISIN dahil magbubunga umano ito ng magandang resulta sa pangkalahatan.

Ang nasabing ANNUAL CONVENTION ay ginanap nitong July 28 hanggang 30 mula alas-9:20 ng umaga hanggang alas-4, ng hapon na ang naging aktibidades ay mapapanood sa kanilang website na JW.ORG.

Siyempre pa.., natuwa ang mga negosyante tulad ng mga restoran sa bisinidad ng YNARES CENTER dahil sa pagdagsa ng mga nagsikain at nagsibili sa mga paninda sa loob ng 3-araw

Ang tema ng ANNUAL CONVENTION ay ang “MAGING MATIISIN” na ayon kay TUNGIA ay para maikintal sa kanilang mga miyembro na kailangang pagtiisan ang maraming mga bagay, pagkakataon o pangyayari alinman sa eskuwelahan, trabaho at sa loob ng pamilya na bahagi ito ng kanilang pananampalataya.

Dapat matularan din ito ng ating mga GOVERNMENT OFFICIALS at POLITICIANS na hindi lamang ang pangkaraniwang mamamayan ang nagtitiis sa hirap ng buhay.., na ang mga LIDER natin ay MAGING MATIISIN sa paglulunsad ng aktuwal o tunay na mga proyektong magpapaunlad sa kabuhayan ng pangkalahatan., MAGING MATIISIN na huwag gumawa ng pandaraya sa pondo ng mga proyekto at makontento sa kung ano ang sinusuweldo sa pagtatrabaho.., ika nga MAGING MATIISIN upang malabanan ang tukso sa tawag ng CORRUPTION.., at siguradong AARYA SA PAG-UNLAD ang kabuhayan ng mamamayan kung sinsero ang lahat ng ating GOVERNMENT OFFICIALS at POLITICIANS!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.

The post PANGKABUHAYAN UMAARYA SA ANTIPOLO CITY! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PANGKABUHAYAN UMAARYA SA ANTIPOLO CITY! PANGKABUHAYAN UMAARYA SA ANTIPOLO CITY! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 29, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.