Facebook

KONTRABIDA ANG CHINA

TUMAMBAD sa buong mundo ang totoong mukha ng China. Walang pakialam ang China sa karapatan ng karatig bansa at tanging ang sarili lang ang alam. Ginulat ang buong mundo ng bombahin noong Sabado ng Chinese Coast Guard ng tubig ang barko ng Philippine Coast Guard na nagdala ng pagkain ay supply sa mga sundalong Filipino na nakahimpil sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa South China Sea.

Kinondena ng buong mundo ang ginawa ng China Dahil panganib ito sa katatagan panseguridad ng rehiyon, nagpahayag ng pagkabahala at pagkondena ang mga bansa tulad ng Estados Unidos, Canada, Australia, Japan, France, Taiwan, at iba pa. Walang bansa na lumantad at kumampi sa China. Kinakamkam na China ang Ayungin Shoal at karagatan sa paligid nito kahit na nasa loob ito ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Filipinas.

May sinabing masakit si Jay Batongbacal, ang maritime expert: “China is crossing the line and will not stop until it forces the Philippines out of Ayungin (Second Thomas) Shoal. If it succeeds here, it will then move on to the next target, and the next, until the Philippines is completely expelled from its own EEZ. Then it will move against the other countries.”

Suportahan ang iminungkahing joint patrol ng Filipinas at Estados Unidos sa malaking bahagi ng West Philippine Sea at dalhin ang reklamo sa United nations general Assembly. Manmanan ang China tungkol sa kanilang pakay na maghari sa buong rehiyon. Hindi sila nakakatulong upang maging mapayapa ang rehiyon. Ang China ang kontrabida at gagawin ng Peking ang lahat upang lumuhod ang ibang bansa sa kanila.

Maiging manmanan ang mga kaalyado ng China sa bansa. Manmanan sina Rodrigo Duterte, Sara, Polong, Bong Go, Bato dela Rosa, Robin Padilla, Francis Tolentino, at iba. Manmanan ang pangkat ng Davao City. Sila ang mga makapili na hindi tutugot upang ipamigay tayo sa China. Dapat suportahan ang alyansa militar ng Filipinas at Estados Unidos.

***

BAKIT MAY LST ANG FILIPINAS SA AYUNGIN SHOAL?

MAGALING ang ating mga sundalo. Kung matino ang presidente, hindi maaari na basta duduruin lang nga mga Intsik ang ating mga sundalo sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea. Tandaan na ang West Philippine Sea ay bahagi ng South China Sea na nakapaloob sa exclusive economic zone ng Filipinas. Hindi ito pag-aari ng China.

Noong 1999, kinakamkam ng China ang Ayungin Shoal, isang balahura (reef) sa WPS. Hindi malaman ng gobyerno kung ano ang gagawin. Nagpadala ang China ng maraming sasakyang pandagat upang paligiran ang balahura at tuluyang kamkamin kahit hindi sa kanila. Si Erap Estrada ang presidente pero walang ginagawa kundi painom-inom lang sa Malakanyang.

Si Orly Mercado na kalihim noon ng tanggulang bansa ang abala sa pagharap ng suliranin na iyon. Ayon sa “Solid Rock,” ang aklat ni Marites Danguilan-Vitug, tinanong ni Mercado ang mga opisyales ng AFP kung ano ang gagawin natin bilang sagot sa ginagawa ng China. May suhestiyon si Vice Admiral Eduardo Ma. Santos, flag-officer-in-command ng Philippine Navy, na gamitin ang mga nabubulok na LST ng bansa sa isyu.

Dinala ng Navy ang BRP Sierra Madre na ginamit noong World War 2 at isinadsad sa Ayungin Shoal. Nilagyan ito ng ilang sundalo na pinapalitan tuwing ikatlong buwan. Ito ang nagsilbing palatandaan ng Filipinas na atin ang balahurang iyon. Walang magawa ang mga Intsik dahil hindi natin maalis ang BRP Sierra Madre doon.

Hiningi kamakailan ng gobyerno ng China na alisin ang LST doon. Ikinatwiran ng sugo ng China sa Filipinas na may pangako tayo na aalisin iyon. Ngunit sinabi ni Delfin Lorenzana na wala siyang ipinangako na aalisin iyon. Walang makapagsabi kung totoo na may pangako nga tayo. Mukhang hindi natin aalisin iyon. Ito ang tama. Manindigan tayo sa China.

“The PH Navy deliberately ran BRP Sierra Madre aground in Ayungin Shoal in 1999. That patriotic and heroic act was in response to China’s occupation of Mischief Reef in 1995. It showed that PH can stand up to China without going to war.” – Sonny Trillanes

***

NANGUNA si Risa Hontiveros sa mga mambabatas na kumondena sa inasal ng China sa ating Coast Guard. Kinondena ng Philippine Coast Guard ang ginawa ng mga Intsik. Pahayag ni Risa:

STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON THE CHARTERED SUPPLY BOAT BLOCKED AND WATER CANNONED BY THE CHINESE COAST GUARD

Mariin kong kinokondena ang marahas na pagharang ng Tsina sa ating mga barko sa sarili nating teritoryo sa West Philippine Sea.

The Chinese Coast Guard has absolutely no right to block, let alone water cannon, our supply vessels. Wala silang karapatang gutumin ang mga Pilipino sa Ayungin Shoal.

China’s repeated provocations are in complete violation of UNCLOS and the 2016 Arbitral Award. I call on our regional neighbors and the broader international community to join the Philippines in condemning this dangerous behavior.

I also hope our country can start joint patrols with other claimant countries in the SCS, such as Vietnam, Malaysia, Indonesia, and Brunei. Kailangan nating magtulungan para mapahinto ang agresibong mga aksyon ng Tsina.

Umaasa din ako na ang DFA ay sinisimulan na ang mga hakbang para ilapit sa iba’t ibang international fora ang walang katapusang panghihimasok ng Tsina. The recently adopted Senate Resolution 718, with its precision and specific recommendations, is at their disposal.

***

TULAD ng nakagawian, wala na naman narinig kay Alan Peter Cayetano, Sara Duterte, Bong Go, Bato dela Rosa, Robin Padilla, Francis Tolentino at higit sa lahat – Rodrigo Duterte. Malamig pa sila sa ilong ng pusa sa kanilang asal. Kakampi nga pala sila ng Tsina.

***

MGA PILING SALITA: “The only time it is permitted to look down on people, is when you are bending down to pick them up!” – Pope Francis

“I think it’s time to call it quits on the [ASEAN-China Code of Conduct] negotiations. There is no point in talking about COC mechanisms under conditions of threats, duress, and utter lack of self-restraint. Continuing talks only make ASEAN look useless. Time to walk away!’ – Jay Batongbacal, maritime expert

“The United States said the aggressive action of the China Coast Guard against Philippine vessels in Ayungin Shoal is a threat to regional peace and stability in the South China Sea.” – PTV

The post KONTRABIDA ANG CHINA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KONTRABIDA ANG CHINA KONTRABIDA ANG CHINA Reviewed by misfitgympal on Agosto 06, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.