MISMONG sa bibig na ni ex-PNP Chief na ngayon ay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa namutawi na mahina ang kasalukuyang PNP Director General Benjamin Acorda Jr., kaya hindi kataka-takang posibleng hindi sundin ang mga direktiba nito ng kanyang mga opisyales at tauhan.
“Ganyan ka na kahina General Acorda, hindi mo kayang hawakan ang organisasyon mo”? Ito ang naibulalas ni Senador Bato sa isang committee hearing ng Senado nang malaman nitong hindi kinausap ng ilang opisyales ng kapulisan sa Negros Oriental si PDG Acorda Jr. para magtanong sa mga kaganapan sa isang kasong kinasangkutan ng ilan nitong mga kapulisan sa naturang lalawigan.
Ang senaryong ito sa Negros Oriental ay halos kahalintulad din sa nagaganap sa lalawigan ng Laguna pagkat ang direktibang One Strike-Policy naman ni Acorda Jr. ay dedma lamang kay Laguna OIC Provincial Director Col. Harold Depositar.
Hindi sinusunod ng maraming police chief ng ibat ibang siyudad at munisipalidad sa ilalim ng liderato ni Col. Depositar si PDG Acorda Jr., sa halip na masawata o mabawasan ang mga kailegalan sa naturang probinsya ay lalo pa itong dumami nang maluklok bilang pansamantalang top cop ng Laguna si Col. Depositar.
Sa katunayan liban sa talamak na operasyon ng STL con- jueteng o bookies ay may tatlong malalaking paihian o burikian sa Laguna bukod pa sa sangklaterbang saklaan at operasyon ng pergalan (perya sugalan) sa ibat ibang siyudad at bayan sa lalawigan ni Laguna Governor Ramil Hernandez.
Dalawang paihian, pasingawan at burikian ang matatagpuan sa Calamba City, ang isa ay nasa likod ng Yakult Philippines na pinatatakbo ng isang Ador habang sa di kalayuan nito ay abala din ang isang grupo pa ng mga magnanakaw (magpapaihi) ng produktong petrolyo at agricultural product sa dating warehouse ng San Miguel Corporation, parehong nasa Brgy. Makiling ng naturang lungsod.
Ginagawang outlet ni Ador ng kanilang pinaihing gasolina, krudo at gaas ang mga gilid na kalsada sa Brgy. Banlic ng naturang lungsod kung saan ay malimit na nagpapagasolina doon ng libre ang mga mobile car ng Calamba City Police.
Sa Brgy. Silangan Exit ng nasabi ding siyudad ay may mga nakahilerang drum at container na naglalaman ng mga ninakaw o pinaihing petroleum product sa paihiang minamantine ng isang Intsik at ng kasosyo nitong lokal na negosyante.
Hindi lamang ilang pulis ni LtCol. Milany Martirez ang kaalam ng mga magpapaihi kungdi maging ilang elemento ng Laguna Provincial Intelligence Office, RSOG at National Bureau of Investigation (NBI).
Naghambalang naman ang mga cargo truck at iba pang dambuhalang behikulo na ginagamit na illegal parking ang Brgy. Makiling Highway at pinatatakbo ng grupo ng mga kriminal na tinaguriang Nofrada Gang.
Mula halagang Php 1,000-Php 2,000 ang protection money na kinikikil ng naturang grupo sa mga cargo, tanker at capsule truck para makaparada sa nasabing lansangan kahit na sa looban pa ng mahigit sa kalahating taon.
Binabatikos ng mga motorista ang pagkakaroon doon ng iligal na paradahan ng mga 16-wheeler o higit pang malalaking behikulo dahil sa panganib na idinudulot nito sa mga naglalakbay na motorista ngunit tila bingi naman si Calamba City Police Chief LtCol. Milany Nartirez at maging ang mga elemento ng PNP Region 4-A Highway Patrol Group sa pagkakaroon doon ng paihian at iligal na paradahan.
Mahigit pa sa Php 2M ang nakukurakot na intelhencia ng isang James na nagpapakilalang “kapustahan” (tong kolektor) ng tanggapan ng Laguna Provincial Police Office.
Ang mga kinokolektahan ni James at iba pang “kapustahan” ay sina Tose, San Pablo City, San Pedro City at Binan City- Php 220,000; Orlan ng San Pablo City-Php 30,000; alyas Win Amante ng San Pablo City- Php 30,000; Timmy, San Pablo City mga bayan ng Aluminus, Nagcarlan at Liliw-Php 50,000. Nag-ooperate din si Timmy ng naturang iligal na pasugal sa mga bayan ng Mabini at San Pascual, kapwa sa lalawigan ng Batangas.
Ang iba pang mga gambling operator ay sina Pinky, San Pablo City at Mahayjay- Php 40,000; Tita ng Cabuyao at Calamba City-Php 250,000; Osel sa bayan ng Calauag-Php 35,000; ex-police Eborra ng Sta Rosa City at Binan City-Php 40,000; Nico ng Binan City-Php 40,000; Jess sa Sta Rosa City-Php 22,000; Manguiat ng Calamba City-Php 30,000; Karatehan, Calauan-Php 25,000; Kon Robert, Calauag-Php 20,000 at Jun ng Los Banos-Php 25,000.
Kabilang din sa mga naturang STL con-jueteng operator na karamihan ay nagpapatakbo din ng drug den ay sina Mayang-Php 20,000; Gil-Php 20,000; Vener-Php 12,000, Baretto-Php 30,000; at Angke-Php 20,000 at iba pa.
Marami ding sakla den o baklayan sa Laguna na pawang naghahatag ng lingguhang intelhencia sa ilang lokal na police chief at maging sa opisina ng Laguna PNPO. Ang mga ito ay sina Jayson, Brgy. Bobuyan, Calamba City -Php 15,000; Joan at Robert, Cabuyao-Php 15,000; Lady Rose, Poblacion Los Banos-Php 15,000; Sgt. Oruga, Bagong Karsada, Calamba City-Php 15,000; Castillo, Bay-Php 15,000; Ronnie / Junjun, Aplaya Calamba City-Php 15,000; Levista, Liliw Victroia at Nagcarlan-Php 45,000; Katimbang, San Pablo City at Rizal-Php 30,000; at Jenny, Cabuyao City-Php 15,000.
Si Bong, ang sakla king ng Laguna na nagmamantine ng mga saklaan sa mga lungsod ng Sta. Rosa, Cabuyao, Binan at Calamba, mga bayan ng Victoria, Los Banos, Rizal- ay naghahatag ng Php 100,000 kada isang lingo sa kapulisan.
Kung ganito kadami ang mga ilegalistang nag-ooperate sa probinsiya ng Laguna, paano pa paniniwalaang sinusunod nga ni Col. Depositar ang PNP Chain of command at One Strike Policy? Madaling paniwalaan na mahina nga si PDG Acorda kay Col. Depositar?
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144.
The post MAHINA SI PDG ACORDA JR. KAY COL. DEPOSITAR! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: