MATAPOS lumabas sa mga balita na hindi nabibigay ng maayos ang mga benepisyo ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parent Act, nangako si Senador Christopher “Bong” Go na sisilipin ang naturang isyu.
Sa isang panayam, sinabi ni Sen. Go, “I will file a resolution para ma-review ang implementasyon ng batas na yan”.
“Para sa mga solo parent yan. Pero kung hindi naman nila natatanggap ang mga benepisyo nito, ano pa ang saysay,” ayon sa senador mula sa Davao.
“Ikokonsulta ko rin kay Senadora Riza Hontiveros, ang primary author ng naturang batas, hinggil sa gagawin nating resolusyon,” dagdag pa ni Go.
Dagdag pa ng senador na nakarating nga sa kanya na kahit malalaking lungsod hindi naibibigay ang P1,000 na monthly allowance ng mga solo parent na nakasaad naman ng naturang batas.
Aniya, “ang mas masaklap yung mga solo parent sa 5th o 6th class municipalities ay wala talagang natatanggap na ni singko dahil ayon sa balita, wala daw sila pagkukunan ng pondo”.
Pahabol pa ng senador, “nagtataka din ako dahil wala rin daw ibinibigay na 10 percent discount ang mga grocery store at mga botika na may mga anak na 6 years old and below”.
Isa kasi sa probisyon ng batas ay exempted ang mga solo parent sa value added tax kung sila ay ‘di kumikita ng P250,000 pataas sa isang taon.
May 10 porsyentong diskwento rin naman sila sa mga gamit, pagkain at gamot ng bata tulad ng diaper, gatas, gamot at bakuna.
Si Sen. Go ay isa sa mga co-author ng Expanded Solo Parent Act.
The post Sen. Go sisilipin ang implementasyon ng Solo Parent Act appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: