Facebook

Perstaym!

Unang beses lang makalahok ang mga women’s team ng Pilipinas at Ireland sa World Cup ng FIFA.

Kasali sila pareho sa International na torneong pang-football na ginanap sa New Zealand at Australia.

Kapwa labis ang galak ng kanilang mga kababayan sa historical nilang partisipasyon. Oo kahit ang Malditas ng PH ay nakaisang panalo lang samantalang ang Girls in Green ng IRL ay walang tinalo doon.

Pero pareho silang sabik na pinanood sa telebisyon at inabangan ang pagbabalik sa kani-kanilang mga bansa.

Ang mga Irish sa tatlong game ay iisa lang ang naging goal ay mainit na sinalubong sa city center ng Dublin noong Huwebes.

Libo-libong tao ang nandoon sa O’Connell St na sinaksihan kanilang parada. May dalang mga flaglette na kulay luntian o mismong bandila ng Ireland.

Kabilang sa mga nasa madla ang mga kabataang babae na na-inspire ng husto sa kanilang pagrepresenta sa nasyon.

Yung buong panahon ng WC ay nagsabit din sa kanilang mga bahay ng watawat at banderitas ang mga kalahi ng aktor na si Liam Neeson.

Ang mga Pinay naman mas pinalad dahil nagwagi sila kontra sa co-host na New Zealand.

Tila mga bagong bayani rin sila nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport. Oo, kahit iisa lang sa kanila ang homegrown na player. Ang lone goal nila ang naiskor sa pagpadapa sa NZ.

Lumapag sila sa Centennial Terminal noong Miyerkules lulan ng PAL mula sa Sydney.

Ibang klaseng karanasan at karangalan sa unang sabak.

***

Pinakamalaking halaga sa kasaysayan ng NBA ang nakuha ni Anthony Davis na maximum contract extension sa Lakers noong isang araw.

Tumataginting na $186M sa loob ng tatlong taon.

Bale $62M/year hanggang 2028 na babayaran si AD ng prangkisa ng mga Buss.

Kailan lang ay pinalawig ng Boston ang kasunduan nila kay Jaylen Brown. Binigyan siya ng Celtics ng 5-year pa sa amount na $304M.

Katumbas yan ng $30.8 kada taon habang nakatali si Brown sa mahigpit na karibal ng Los Angeles.

Paano pa kapag oras na palawigin ang kay Jayson Tatum, ang pinakabida sa TD Garden? Tiyak mas mataas yan kay sa kay Brown.

Eh yung kay LBJ kaya mas higit rin kahit lagpas na siya ng 40 anos?

Nalulula tuloy si Ka Berong sa laki ng mga dolyares na pasweldo sa mga cager ng NBA.

Kaya naman pangarap ng lahat ng mga manlalaro na makapanhik sa liga nina LeBron James at Steph Curry. Yes try and try sila until they die. Hehe.

***

May imported player na rin ngayon mula Pinas ang Women’s Chinese Basketball League (WCBA) sa katauhan ni Jack Animan. Si Jack Danielle Sto. Tomas Animan ay standout ng Gilas na ang ama ay Nigerian at ina ay Pinay.

Matagal na siya naglalaro para kay Coach Patrick Aquino mula noong miyembro siya ng NU Lady Bulldogs at marami na silang korona na pinagwagian. Kabilang ngayon ang 6’5 na tunong Malolos.

Sa Wuhan Shengfan sa WNCBA. Dati nakapagdribol na rin siya sa Estados Unidos, Serbia at Taiwan.

“Proud ako kay Jack noon pa man, ngayon may pagkakataon siyang kumita sa bansa ni Yao Ming ng dahil sa basketball,” wika ni Coach Aquino.

 

The post Perstaym! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Perstaym! Perstaym! Reviewed by misfitgympal on Agosto 06, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.