Facebook

Malacañang nagdaos ng konsyerto para sa 300 Pilipinong atleta

KABOUANG 300 atleta ang nagtipon sa Malacañang Linggo upang manoud ng konsyerto bilang parangal sa kanilang hardwork na kinatawan ang Pilipinas sa ibat-ibang sporting events.

Ilan sa mga dumalo sa Palace-organized event ay si world boxing icon Manny Pacquiao,gymnastic champion Carlos Yulo,dating national fencer Richard Gomez, at ang Philippine Women’s Football Team (Filipinas) na gumawa ng kasaysayan na naging unang Filipino team na naglaro sa FIFA World Cup.

“This is the first event we have been invited to. It’s nice to celebrate the local talent and artist that we have here in the Philippines and also our countrymen who sacrificed everything to represent their country,” Wika ni Hali Long, Filipinas co-captain, sa ABS-CBN News.

Ito ang pangalawang konsyerto sa Palasyo para sa mga atleta na ang una ay noong Abril alay sa miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

“The featured performers have mostly had viral videos on social media and were chosen for their remarkable talent and artistry,” Sambit ng Presidential Communications Office sa kanyang pahayag.

Nauna ng sinabi ni president Ferdinand Marcos Jr. na nais nyang buhayin muli ang polisya ng kanyang ama na buksan ang Malacañang sa publiko.

“It is the Palace of the People. It’s not the Palace of the President, bukas talaga dapat ang Palasyo dahil mahalaga na makita naman ng taong bayan na ito ay pag-aari ng bansa at hindi pag-aari ng kahit sinong tao,” anya.

The post Malacañang nagdaos ng konsyerto para sa 300 Pilipinong atleta appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Malacañang nagdaos ng konsyerto para sa 300 Pilipinong atleta Malacañang nagdaos ng konsyerto para sa 300  Pilipinong atleta Reviewed by misfitgympal on Agosto 06, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.