Mahigit Php 55 bilyones taon- taon ang mawawala sa kaban ng pamahalaan kapag tuluyang nang ipinatigil ang operasyon ng POGO.
May kaakibat na kapalit kapag tuluyan na ngang pagbawalan na mag-operate sa bansa ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ito ang sinabi ni Senate Committee on Finance chairman Senator Francis “Chiz” Escudero na maaring magtaas ng buwis ang gobyerno para mapunan ang nawalang buwis na ibinibigay ng mga POGO operators.
Bukod pa dito ay ang pagkawala ng trabaho ng mga mamamayan dahil sa nasabing pagtigil ng POGO.
Magugunitang sinabi ng Philippine Gaming Corporation na noong 2022 ay tumaas ang kanilang collection kung saan mayroong P55.05 bilyon ang nakulekta sa mga gaming operations.
Una rito ay isinusulong ng ilang mambabatas ang pagpapasara ng mga POGO dahil sa pagkakasangkot nila ng iba’t-ibang krimen sa bansa.
Kapag tinimbang ang pros and cons sa nasabing isyu,mukhang kailangan magpreno ang ating mga mambabatas at kumambyo sa tila malatuba nilang desisyon sa pagpapatigil sa POGO operations.
Pangit man sa tenga at pandinig,may ilang grupo dyan na umano’y Malacanang- based ang inaakusahan ng panggigipit o blackmail sa direktang pananalita ng mga POGO operators.
Di na muna natin tutukuyin ang maimpluwensiyang Mafia na ito na “bumabakal” sa mga foreign investors natin lalo na duon sa ang mga negosyo ay patungkol sa pasugal.
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post BUWIS MULA SA POGO, SAAN KUKUNIN? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: