Facebook

Pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard, hindi na nakakatuwa

Sobra na tama na, dahil hindi na nakakatuwa ang pambu-bully ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard.

Nagsagawa na rin ng pulong balitaan ang National Task Force for the West Philippine Sea kaugnay ng huling insidente ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea.

Ang NTF-West Philippine Sea ay nilikha upang itaguyod ang soberenya at interes ng bansa sa West Philippine Sea.

Pinamumunuan ang task force ng National Security Advisor bilang Chairman habang mga kasama dito ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police Maritime Group (PNP-MG) at iba pang kinauukulang ahensya.

Sa huling insidente sa WPS nitong Sabado, binugahan ng Chinese Coast Guard ng water cannon at hinarangan ang inarkilang supply boat ng AFP na patungo sana ng Ayungin Shoal para sa isang regular na troop rotation at resupply mission.

Una nang kinondena ng AFP at PCG ang naturang insidente at sinabing ito’y lantarang pagbale-wala sa kaligtasan ng mga sakay ng barko at paglabag sa international law, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea at 2016 Arbitral Award.

Nagpahayag naman ng suporta ang Estados Unidos sa Pilipinas at sinabing ang aksyon ng China ay banta sa seguridad at stabilidad sa rehiyon, kasabay ng pagtiyak na ang anumang pag-atake sa mga pampublikong sasakyan ng Pilipinas sa WPS kabilang ang Coast Guard ay saklaw ng Mutual Defense Treaty.

Mariin namang kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawang pagharang ng China Coast Guard sa kanilang chartered supply boat.

Sa inilabas na pahayag ng AFP, bukod sa iligal na ginawang pambomba ng mga water cannon naging marahas ang hakbang ng China Coast Guard sa kanilang chartered supply boat.

Iginiit pa ng AFP na hindi rin nirespeto ng China Coast Guard ang batas at karapatan sa paglalayag.

Dahil dito, hindi na nakarating pa ang ikalawang bangka ng AFP na maghahatid ng mga suplay bilang bahagi ng rotation and resupply (RoRe) mission.

Kaugnay nito, umaasa ang AFP na papanagutin ng China Coast Guard at ng Central Military Commission ang mga responsable sa insidente.

Subaybayan natin!

***

Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:00am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.

The post Pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard, hindi na nakakatuwa appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard, hindi na nakakatuwa Pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard, hindi na nakakatuwa Reviewed by misfitgympal on Agosto 07, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.