Facebook

Reparation sa pambabastos sa Ama Namin… Obispo: Holy Hour, idaraos sa Agosto 4

BILANG reparation o pagbabayad puri sa ginawang paglapastangan sa panalangin na ‘Ama Namin’, hinimok ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco nitong Martes ang mga parokya at religious communities na sakop ng diyosesis na magsagawa ng Holy Hour sa Agosto 4, na unang Biyernes ng Agosto.

Ayon kay Bp. Ongtioco, ang pag-awit sa panalanging itinuro ni Hesus sa hindi angkop na lugar at pagdiriwang ay patunay ng kawalang pagpahalaga sa kabanalan at kawalang paggalang sa panalangin.

“I ask all the parishes and religious communities to offer the Holy Hour for First Friday of August in reparation for the sacrileges against our Lord,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ongtioco, sa church-run Radio Veritas.

Paliwanag ng obispo, nakapaloob sa Ama Namin ang paghahayag ng dakilang pagliligtas ng Diyos sa tao mula sa kasalanan gayundin ang pagturing sa sangkatauhan bilang mga anak kaya’t nararapat lamang itong bigyan ng ibayong paggalang.

Matatandaang noong Hulyo 10, nag-viral sa social media ang video ng drag performance ni Pura Luka Vega na umaawit ng Ama Namin sa isang party habang naka-costume pa ng Hesukristo, na inalmahan at mariing kinondena ng mga Pilipino na mayorya ay mga Katoliko.

Paalala naman ni Bp. Ongtioco, sa tuwing dinadasal ang Ama Namin ang bawat isa ay inaanyayahan ng Panginoon na maging bahagi sa Kristiyanong pamayanang nakaugat sa habag, awa at pag-ibig.

Kasabay nito, hinikayat rin niya ang mamamayan lalo na ang mga magulang na turuan ang mga kabataan sa kahalagahan at paggalang sa mga panalangin at sakramento ng simbahan.

“I would also like to urge our dear parishioners to take this opportunity to teach your children the importance of showing respect to everything that is sacred, whether it be the Eucharistic or the Lord’s Prayer and to avoid any act of desecration,” aniya.

Nitong Hulyo 31 ay nagsampa ng kaso ang Philippines for Jesus Movement laban kay Pura Luka Vega dahil sa paglapastangan sa panalangin habang idineklara rin itong persona non grata sa General Santos City. (ANDI GARCIA)

The post Reparation sa pambabastos sa Ama Namin… Obispo: Holy Hour, idaraos sa Agosto 4 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Reparation sa pambabastos sa Ama Namin… Obispo: Holy Hour, idaraos sa Agosto 4 Reparation sa pambabastos sa Ama Namin… Obispo: Holy Hour, idaraos sa Agosto 4 Reviewed by misfitgympal on Agosto 01, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.