Facebook

Bolts pasok sa semis

Laro Bukas
AUF Gym
SEMIFINALS
(3:45PM) TNT vs Phoenix
(6:30PM) Ginebra vs Meralco

TINULDUKAN ng Meralco Bolts ang limang taong pamamayagpag ng San Miguel Beermen bilang PBA All-Filipino Champions matapos na tambakan nila ito 90-68 sa PBA Philippine Cup na ginanap sa Angeles City, Pampanga.
Dahil dito ay pasok na ang Bolts sa semifinals.
Sinabi ni Bolts coach Norman Black na pinagtuunan nila ng pansin ang depensa para tuluyang talunin ang Beermen.
Kapwa nagtala ng tig-14 points sina Baser Amer at Cliff Hodge habang mayroong 12 points si Reynel Hugnatan at 11 points naman ang naitala ni Allein Maliksi.
Dahil sa panalo ay makakaharap nila sa semifinals ang Barangay Ginebra.

The post Bolts pasok sa semis appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bolts pasok sa semis Bolts pasok sa semis Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 16, 2020 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.