
NASAWI ang 21-anyos lalaking estudyante nang sumailalim sa hazing Linggo ng umaga, Nobyembre 15, sa Zamboanga City.
Kinilala ang biktima na si Joselito Envidiado.
Sa ulat, kasama ni Envidiado ang lima pa nang sumailalim sa initiation rites ng Tau Gamma Phi Fraternity, Trigusu Chapter, sa Cubol Residence, Don~a Martha drive, Barangay San Jose Gusu, Zamboanga City.
Ayon sa report, itinakbo sa ospital ang biktima na nagtamo ng mga pasa sa katawan subali’t idineklara itong dead on arrival.
Nahuli naman ang mga miyembro ng Tau Gama Phi na may kinalaman sa hazing na sina Roldan Paler, 28, External Grand Triskelion; at Marcelino Viñas Jr., 28, master initiator.
Ang hazing ay mahigpit nang ipinagbabawal sa batas.
The post ESTUDYANTE PATAY SA HAZING! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: