Facebook

Driver at backrider patay sa hit @ run

DEAD on arrival sa pagamutan ang magkaangkas sa motorsiklo nang ma-hit and run sa Barangay Binolingan, Kidapawan City.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jahid Lampatan Lu, 38, driver; at Joedin Sendad, 27, mga residente ng Kabacan, North Cotabato.
Ayon sa ulat, sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo patungo sa bayan ng Kabacan nang pagsapit sa Brgy. Binoligan ay binangga sila ng pick-up truck.
At sa halip na tulungan ang mga biktima, tumakas pa ang driver patungo sa town proper ng siyudad.
Tumilapon ang magka-angkas at nawasak ang kanilang motorsiklo sa tindi ng pagkabangga.
Agad dinala ng mga nagrespondeng tauhan ng Rescue 911 ang mga biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa mga tinamong bali, pasa at sugat sa kanilang katawan.
Nagpapatuloy pa ang im-bestigasyon ng Kidapawan City PNP sa pangyayari.

The post Driver at backrider patay sa hit @ run appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Driver at backrider patay sa hit @ run Driver at backrider patay sa hit @ run Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 19, 2020 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.