NAGKASAKIT na sa ba-lat ang ilang residente sa da-lawang barangay ng Hagonoy, Bulacan dahil sa pagkababad sa tubig-baha na hanggang ngayon hindi pa humuhupa.
Sa ulat, kahit mahigit isang linggo na matapos manalasa ang bagyong Ulysses, hindi parin bumaba ang baha sa mga barangay ng San Miguel at Sto. Niño.
Dahil sanay na sa matagalang pagbabaha ang mga residente ng Hagonoy, nakahanap na sila ng paraan upang ituloy ang pamumuhay.
Ngunit, ilang residente na ang dinapuan ng alipunga, isang sakit sa balat, dahil sa matagalang pagkababad sa maruming tubig-baha.
Ayon sa ilang residente, talagang bahain ang Hagonoy dahil mababa ang lugar na ito at malapit sa Pampanga River na tumataas ang tubig sa tuwing high-tide at tuloy-tuloy na pag-ulan.
Dahil sa tuluy-tuloy na malakas na ulang dala ng bag-yong Ulysses, nalubog sa baha ang ilang bayan sa Bulacan, pati narin ang ilang lugar ng lalawigan ng Pampanga na malapit sa Pampanga River. (James de Jesus)
The post Baha ‘di humuhupa: Ilang residente nagkaalipunga na sa Bulacan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: