Facebook

Si ret. Police Colonel ‘Caloy’ Baltazar

SA hindi inaasahang pagkakataon nitong Huwebes ng umaga, Nob. 19, dinala kami ng aming mga paa sa isang tanggapan ng Manila City government na pinamumunuan pala ng isang kaibigan na matagal ko nang gustong makaututang-dila uli. Siya si retired Police Colonel “Caloy” Baltazar, kasalukuyang hepe ng Manila City Hawkers.

Opo! Sa aming pagpunta ni National Press Club (NPC) President Paul Gutierrez ng People’s Tonight, at Director Aya Yupangco ng DWIZ sa Manila City Hall para sana mag-courtesy call kina Mayor “Isko Moreno” Domagoso, Vice Mayor Honey Lacuna, Assistant to the Mayor “Letlet” Zarcal at City Administrator Cezar Chavez, nagkataon na wala pa sa kani-kanilang tanggapan ang naturang mga opisyal.

Minabuti naming tumuloy muna sa tanggapan ng Manila Department of Public Safety (MDPS) sa may COMELEC para pasalamatan ang namumuno rito, si Ginoong Amurao, sa paghakot sa tambak ng basura sa harapan ng gusali ng NPC.

Ilang hakbang nalang kami sa tanggapan ng MDPS nang isang tauhan ng Manila Hawkers ang tumawag kay Aya Yupangco, hinila kami sa loob ng kanilang tanggapan. Aba’y laking gulat ko nang mabungaran sa loob si ret. Col Baltazar, ang astig ng Tondo. Hahaha… ang pagkakataon nga naman…

Matagal ko nang hanap para makautang-dila ang opisyal na ito, na halos pitong taon ko nang hindi nakikita simula nang mawala sa City Hall ang dating mayor late Fred Lim, my besfriend and idol.

Si Caloy ang isa sa trusted bodyguards at opisyal ni Lim mula nang mapasok sa politika ang late Police General/NBI Director/DILG Sec./Senador/Mayor.

Si Caloy ang nagpauso sa Maynila na magkaroon ng curfew sa paglalabas ng basura sa gabi noong maging hepe siya ng DPS under Lim administration.

Nang tumakbong mayor si “Isko”, nagpaalam si Caloy kay Lim dahil ayaw na niyang patakbuhin ang yumao niyang amo dahil nga sa edad nito, 90 anyos na.

Sumama si Caloy kay Isko sa kampanya sa pagka-Mayor. Boom! Nanalo ng landslide si Isko. At dahil sa maganda nga ang rekord ni Caloy sa pagiging “basurero” ng Lungsod, inilagay siya ni Yorme sa Hawkers, ang taga-walis ng mga pasaway na vendors sa kalye.

Sa aming muling pagkikita, nasabi ko sa aming pangulo sa NPC na ‘solve na ang aming problema sa basura sa club’. Hahaha…

Again, salamat Col. Caloy. Salamat din sa pamunuan ng DPS, kay G. Amurao.

God bless sa ating lahat. Keep safe!!!

***

Humingi ng paumanhin sina Secretary Sal Panelo at Defense Sec. Delfin Lorenzana kay Vice President Leni Robredo sa mga pinalutang nila sa social media na ang huli ang nagpasimuno ng pagkalat sa socmed ng ‘#NasaanAngPangulo?’ noong kasagsagan ng magkasunod na super typhoons Rolly at Ulysses na nagpalubog sa maraming lalawigan sa Luzon, at ginamit ang C-130 sa pamamahagi ng relief goods.

Pinabulaanan ni VP Robredo na siya ang author ng trending na #NasaanAngPangulo?’, dahilan para bombahin siya ni Pangulong Rody Duterte sa weekly ‘publi address’ nitong Martes ng gabi.

Sinabi naman ni Sec. Lorenzana na matapos niyang ipa-check sa manifesto ng AFP, hindi nagamit ang C-130 para sa relief ops ni Robredo.

That means nabiktima si Pangulong Duterte ng fake news, fake info mula sa kanyang ‘bulong brigades’.

Hindi naman dapat magalit si Duterte kay Robredo kung nauna man itong tumugon sa panawagan ng mga nasalanta ng kalamidad. Dapat nga ay magpasalamat siya sa VP dahil nandun agad ito sa panahon ng pangangailangan, kungsaan nasa malayo pa siyang probinsiya, Davao City. Say n’yo, mga pare’t mare?

The post Si ret. Police Colonel ‘Caloy’ Baltazar appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Si ret. Police Colonel ‘Caloy’ Baltazar Si ret. Police Colonel ‘Caloy’ Baltazar Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 19, 2020 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.