Facebook

Estudyante pinagtripang bugbugin at saksakin ng 10, patay

PATAY ang isang Grade 8 student nang bugbugin at saksakin ng hindi bababa sa 10 katao sa Mangaldan, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Kenny Fernandez, 14-anyos, ng Barangay Embarcadero sa Mangaldan.
Tatlong katao ang inaresto, kabilang ang isang menor de edad.
Kinilala ang dalawang nadakip na sina Jericho delos Reyes at Alvin Gatinga.
Sa ulat, pauwi na ang binatilyo galing sa computer shop para tapusin ang module nang yayain siya ng kaibigan na uminom ng alak.
Matapos uminom, pauwi na ang biktima nang harangin ng grupo ng kalalakihan at doon ay binugbog at sinaksak sa dibdib, dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Umamin si Delos Reyes sa krimen at sinabi nito na hindi niya sinasadyang saksakin ang biktima.
Inihayag naman ni Gatinga na nakursunadahan lang ang biktima.
Nais ng ina ng biktima na mahuli lahat ang sangkot sa krimen sa kaniyang anak.(PFT team)

The post Estudyante pinagtripang bugbugin at saksakin ng 10, patay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Estudyante pinagtripang bugbugin at saksakin ng 10, patay Estudyante pinagtripang bugbugin at saksakin ng 10, patay Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 18, 2020 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.