
NASAWI ang 89-anyos na ina nang bugbugin ng kaniyang lasing na anak sa Asingan, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Francisca Marquez ng Barangay Bantog.
Sa isang cellphone video, makikita ang biktima na may mga pasa sa mukha.
Ayon kay Police Lieutenant Rey Floro Tuanquin, Deputy Chief ng Asingan Police Station, hinila, sinuntok at itinulak ang biktima kaya tumama ang ulo sa sahig.
Itinanggi naman ni Fernando ang paratang laban sa kaniya.
Paliwanag nito, dahil sa katandaan nagwawala umano ang kanyang ina at nagpunta sa kalsada kaya naaksidente raw ito ng sasakyan.
Pero desidido ang isang anak ni Francisca na si Dionio na sampahan ng kaso ang panganay nilang kapatid na si Fernando.(PFT team)
The post 89-anyos Mommy pinatay sa bugbog ng anak appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: