Facebook

2 karnaper patay sa barilan sa Bulacan

PATAY ang dalawang motornappers na target ng operasyon ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) nitong Miyerkules ng madaling araw sa San Rafael, Bulacan.
Sa ulat na ipinarating kay PNP Chief, General Debold Sinas, ng PNP-HPG, nakipagbarilan at nakipaghabulan ang dalawang target habang sakay ng ninakaw nilang Yamaha Mio motorcyle sa mga pulis sa Bypass Road, Brgy. San Roque, San Rafael.
Una rito, nakatanggap ng voice alarm ang PNP-HPG mula sa San Rafael Municipal Police Station kaugnay sa pagnanakaw ng motorsiklo ng dalawa sa Brgy. Sampaloc. Agad na ikinasa ng operatiba ang operasyon at naharang ang dalawa, na sa sa halip huminto ay pinagbabaril ang mga pulis.
Gumanti ng putok ang mga pulis dahilan ng pagkasawi ng mga mga magnanakaw.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawa. (Gaynor Bonilla/Thony D. Arcenal)

The post 2 karnaper patay sa barilan sa Bulacan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 karnaper patay sa barilan sa Bulacan 2 karnaper patay sa barilan sa Bulacan Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 18, 2020 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.