Facebook

KC nagbenta ng mga alahas para itulong sa mga naapektuhan ng bagyo sa Cagayan; Angelica dumepensa sa bespreng si Angel sa isyu ng pagtaba

Ni JOVI LLOZA

HINDI na nga nagdalawang-isip pa si KC Concepcion na magbenta ng kanyang mga alahas na gawa ng Avec Moi by Kristina.

Sa kabila na humupa na ang baha dahil sa pagpapakawala ng Magat Dam na malapit sa Cagayan at Isabela dahilan para bahain ang nasabing mga lalawigan dala na rin ng bagyong Ulysses.

Ito naman ang naging dahilan para ang mga residente ay mag-akyatan sa bubong para magpalipas ng ilang araw.

Ikinatuwa naman ng netizens ang kapuri-puring magandang gawain ni KC.

Handcrafted naman ang jewelry na ibenenta ni KC na may iba’t ibang disensyo.

Malaking bagay naman itong gagawin ni KC na pagbebenta ng kanyang jewelry para makalikom ng funds para sa rescue at relief operations sa mga naging biktima ng bagyo sa Cagayan.

Ang ilang alahas na pinagbili ni KC ay nagkakahalaga ng $1,000 or sa peso ay P 50,000 hanggang $2,000 or may katumbas na P100.

Kaya sangkatutak na papuri ang natanggap ni KC sa pagtulong nito sa mga nasalanta.

***

KAHIT sa module sa Mindoro ay hindi pa rin nakaligtas si Angel Locsin sa body shaming.

Agad naman humingi ng sorry ang DepEd sa pagsabi na obese ito para sa subject na pangkalusugan.

Kahit si Angelica Panganiban ay idenepensa ang kaibigan na nakaupo lang ay namula na.

Ayon pa kay Angelica, bakit daw hindi ang magagandang ginagawa ni Angel ang ipinangangalandakan.

Kamakailan lang sa bagyong nagdaan ay nandun ang presensya ni Angel.

Bakit nga raw pinag-iinitan ang pigura ng katawan ni Angel.

Huwag namam daw ganun ayon pa kay Angelica at mas nakatutuwa pa raw kung ipangangalandakan ang mga nagawang pagtulong ni Angel lalo na kung may kalamidad.

Tigilan at tantanan na nga raw ng mga basher na gawing pulutan ang pigura ng mahusay na aktres na si Angel.     Ikinatuwa naman ng followers ni Angel ang pagtatanggol sa kanya ni Angelica.

Well, well, well…’Yun na!

The post KC nagbenta ng mga alahas para itulong sa mga naapektuhan ng bagyo sa Cagayan; Angelica dumepensa sa bespreng si Angel sa isyu ng pagtaba appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KC nagbenta ng mga alahas para itulong sa mga naapektuhan ng bagyo sa Cagayan; Angelica dumepensa sa bespreng si Angel sa isyu ng pagtaba KC nagbenta ng mga alahas para itulong sa mga naapektuhan ng bagyo sa Cagayan; Angelica dumepensa sa bespreng si Angel sa isyu ng pagtaba Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 17, 2020 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.