Facebook

GMRC, MAGBABALIK SILID-ARALAN – ISKO

DAHIL sa patuloy na pambabalewala at paglimot ng ilang kabataan sa kaugalian na pagiging magalang tulad ng pagsasabi ng ‘po’, ‘opo’, ‘salamat po’ at ‘excuse me’ , ay nangako si Mayor Isko Moreno na itutulak ang pagbabalik ng kagandahang asal o good manners and right conduct ( GMRC) sa mga kabataan sa lungsod ng Maynila at kasabay ito ng panghihikayat niya sa lahat ng magulang na simulan na itong ituro sa kanilang mga anak.

Inanunsyo ni Moreno na ang pamahalaang lokal ay maglalaan ng pondo para ganap na masuportahan ang implementasyon ng Republic Act 11476 o GMRC and Values Education Act, na nilagdaan ni Pang. Rodrigo Roa Duterte noong Hunyo at nagtatakda sa GMRC bilang subject o aralin sa ilalim ng K-12 curriculum.

Kaugnay ng layunin ng Pang. Duterte, nangako si Moreno na isasama ang GMRC sa curriculum sa pamamagitan ng aktibong kampanya sa pagbabalik ng mabuti asal na nakakaligtaan na sa panahon ngayon dahil sa labis na kaabalahan ng kasalukuyang henerasyon sa makabagong kultura, teknolohiya na nagkakaloob sa kanila walang limit na paraan upang makuha ang lahat ng uri ng impormasyon.

Ang bagay na ito at ipinahayag ni Moreno sa isang pulong sa mga opisyal Department of Education (DepEd) and Division of City Schools-Manila sa pangunguna ni superintendent Magdalena Lim, kung saan nangako rin ng suporta ang alkalde sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) program upang paunlarin pa ang potensyal ng mga mag-aaral sa Maynila sa nasabing larangan.

Dahil nagmula sa paaralan kung saan ang GMRC ay itinuturo bilang isang buong aralin, sinabi ni
Moreno na nakikita niya ang halaga at kung paano siya at ang kanyang mga kababata ay hinulma upang maging mamamayan na may takot sa Diyos, may mataas na paggalang sa mga nakatatanda, kababaihan, magulang at kapwa, hindi lamang sa loob ng paaralan kundi sa tahanan, lipunan at ngayon nga ay sa pamahalaan.

“Being taught these values during a person’s formative years will eventually also instill the values of discipline and compassion for other, from where a lot of good things may spring such as good behaviour, integrity, morality, honesty, discipline, respect, patriotism, civility, responsibility and over-all good character,” sabi ni Moreno.

Sa nasabing pulong ay ipinabatid kay Moreno na wala pang nabubuong implementing rules and guidelines para sa nasabing batas sa GMRC. Gayunman ay tiniyak ni Moreno ang pagbibigay nya ng suporta ng pamahalaang lokal para dito.

Sinabi ni Moreno na ang GMRC at Values Education Act ay ginawang batas dahil sa normal na kalakaran na mas mahaba ang oras ng mga bata sa paaralan kaya naman hinihikayat ang mga magulang at guardian na i-follow-up ang pagtuturo ng kagandahang asal sa kanilang mga anak sa loob ng bahay.

Pero dahil napalitan na ng online classes ang dating face-to-face calss kaya inaasahan na mas mahaba ang oras ng mga bata sa loob ng bahay kasama ng kanilang magulang at iba pang miyembro ng pamilya dahil na rin sa pandemya.

Dahil dito ay umapela si Moreno sa mga kasama sa bahay ng mga bata na palagian silang turuan ng kagandahang asal at itanim ang halaga ng GMRC sa mga mag-aaral.

“We have to empower our youth for them to become responsible citizens and future leaders of the country,” giit pa ni Moreno.

Ayon sa batas, ang GMRC ay dapat na kasama sa araw-araw na gawain ng bata sa kindergarten level. Dapat din itong ituro bilang hiwalay na subject o aralin sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang 6 habang ang mga nasa Grades 7 hanggang 10 ay tuturuan naman Values Education kung saan isasama ang GMRC.

Ang Values Education ay isasama sa lahat ng subjects o aralin sa ilalim ng K-12 curriculum para sa Grades 11 at 12. (ANDI GARCIA)

The post GMRC, MAGBABALIK SILID-ARALAN – ISKO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
GMRC, MAGBABALIK SILID-ARALAN – ISKO GMRC, MAGBABALIK SILID-ARALAN – ISKO Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 17, 2020 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.