Facebook

Luzon-wide state of calamity, suportado ni Bong Go

Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go ang naging rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kay Pangulong Duterte na ilagay ang buong Luzon sa state of calamity.

Kahapon din, nabatid kay Sen. Go na inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng NDRRMC.

“Yes, ako pabor po ako d’yan. Mas mapapabilis ang rehabilitation efforts ng mga LGUs kapag isinailalim sa state of calamity and inaprubahan na po ng Pangulo (‘yung increase sa calamity fund) ng mga probinsya na tinamaan ng bagyo. Magbibigay po ng 1% of their IRA sa mga LGUs na tinamaan ng bagyo para magamit nila sa relief and rehabilitation,” ayon kay Go.

Sa isang emergency meeting, inaprubahan ng mga miyembro ng NDRRMC ang rekomendasyong ideklara ang state of calamity sa buong Luzon kasunod ng pananalasa ng mga bagyong Quinta, Rolly at Ulysses na nakaapekto sa libu-libong residente.

Sa ilalim ng state of calamity, ang mga local government units ay magkakaroon ng access sa pampublikong pondo para mapabilis ang relief at rehabilitation efforts sa kani-kanilang nasasakupan.

Pero dahil ubos na ang calamity funds ng maraming LGUs dahil sa COVID-19 pandemic, matatandaang umapela si Go sa Executive department na i-replenish ang calamity funds ng mga apektadong LGUs.

Sa kasalukuyan ay inaayos na ng budget department ang pag-ayuda sa LGUs kasunod ng apela ni Go na sinundan ng direktiba ng Panguo.

Samantala, nanawagan si Go sa mga LGU, lalo sa mga malubhang nasalanta ng malawakang pagbaha na huwag nang magsisihan sa nangyari.

“Anyway, ‘wag na po tayo magsisihan para sa susunod na pagpapakawala ng tubig ay magiging well-coordinated ito with local government units,” giit ng senador.

“Sila po ang nakakaalam kung saan po ang safe na mga evacuation centers na dapat na paglalagyan ng mga evacuees o mga mamamayan nila sa lugar nila. Coordination po ang importante po dito,” paliwanag niya.

Ayon pa sa senador, isa na ngayo sa mga pangunahing national security interests ng Duterte administration ang pagpoprotekta at pagpepreserba sa ecological balance ng bansa.

“Ang National Security Policy 2017 to 2022 ay hindi lamang limitado sa mga traditional security issues, like military conflicts, armed rebellion, malaking bahagi rito ay ang well-being ng bawat Pilipino. Kaya dahil po sa climate change ngayon, ay naging stronger, more frequent and more destructive na po ang mga bagyo, ‘no?” ani Go.

“Kasi nandito tayo, located tayo sa Pacific Ring of Fire. Galing sa Pacific Ocean ay dumadaan talaga sa Pilipinas (ang mga bagyo) kaya medyo delikado po ang ating kinatatayuan. Kita ninyo bago lang po, naglindol din sa Surigao, kahapon po. So, meron talagang climate change rin po, isa po ito sa priority natin,” idinagdag niya. (PFT Team)

The post Luzon-wide state of calamity, suportado ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Luzon-wide state of calamity, suportado ni Bong Go Luzon-wide state of calamity, suportado ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 17, 2020 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.