
PORMAL nang nakapanumpa bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) si Police Gen. Debold Sinas, sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ginanap sa Malacanang nitong Martes.
Dumalo sa ceremonial donning of rank sina DILG Secretary Eduardo Año at ang anak ni General Sinas na si Abby.
Noong nakaraang linggo, sa kaniyang pagharap sa taumbayan, sinabi ni Duterte na bibigyan niya ng executive clemency o handa niyang patawarin si Sinas sakaling mapatunayan ng korte na nagkasala ito dahil sa pagsasagawa ng mañanita sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig sa kaniyang birthday noong Mayo sa kasagsagan ng ipinatutupad ng community quarantine.
Pinalitan ni Sinas si Gen. Camilo Cascolan, na umabot na sa mandatory retirement age na 56 noong ika-10 ng Nobyembre.(Gaynor Bonilla)
The post Sinas pormal nang nanumpa bilang bagong PNP chief appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: