ITULOY ang eradikasyon sa makakaliwang paksiyon.
Basag na ang pula. Malapit na ang katapusan ng mga salot sa lipunan.
Nababali na ang gulugod ng mga kupal na walang ginawa kundi maghasik ng kaguluhan sa mamamayang nais lang ng matiwasay na pamumuhay.
Tunay na may hangganan ang bawat kasamaan lalo na iyong mga demonyong nakamaskarang anghel upang linlangin ang ilang kababayang napaniwala ng kanilang pulot-pukyutang dila .Silang mga pulahang may maitim na planong ibagsak ang gobyerno( suntok sa buwan) at ipalit ang kanilang ideolohiyang di naniniwala sa ating LUMIKHA . Nasupil na ang mga suwail sa mga institusyon ng estado.
Malalagas na ang mga tulisang pulahan sa kanayunan. Iyong mga may konsensiya pang alagad nila na nais na ng normal na buhay ay nagbabalik- loob na sa pamahalaang sinserong ipagkaloob ang tunay na malayang buhay .
Kaysa naman magbuwis sila ng buhay dahil sa itinimong kabalbalan ng kanilang pinunong buhay-hari sa ibang lupain na ang yaman ay mula sa tinutulisan nilang salapi ng mga imbestor na gustong paunlarin ang kanayunan pati mga pobreng magsasaka, mangingisda, manggagawa ay kinukulimbat ang mga abang pinaghirapan.
Buti na lang ay seryoso ang kasalukuyang administrasyon na puksain na ang mga komunistang dito na lang sa ‘Pinas nakakagoyo( guho na ang komunismo sa buong mundo) at ang klasik ay mga matatalino pa ang naloloko.
Isunod niyo na Ginoong Pangulo ang mga pulahang nagkukunwang makabayan na sa totoo lang ay kumakatawan lang sila sa mga kupal na radikal na iilan lang pero nalulustay ang pondo ng estado sa pamamagitan ng na- penetrate nilang Kongreso.Ang Party List ay dapat na kumakatawan lang sa marginalize sector na di kailanman kinabibilangan ng mga makakaliwang nabubuhay sa bayolenteng paraan at kumikitil ng buhay ng sariling kalipi.
Wakasan na ang kabalbalan ng ‘makabayang bulok’ dahil kabalintunaan ang kanilang pinagmamalaking ‘makabayan’ dahil ‘makabulsa’ lang ang kanilang ipinaglalaban.
Dapat ay tanggalan na ng akreditasyon ng kunsintidor na Comelec ang mga ‘blokeng makabayad’ upang magwakas na ang hayagang panloloko sa Sambayanang Pilipino.
Wala silang puwang sa 2022 , itaga niyo sa bato…ABANGAN!*
AWARDEES SA GWCU CHARITY
BASKETBALL SA RIYADH
SALUDO ang korner na ito sa mga nasa likod ng tagumpay ng Grab We Care United Charity Basketball Tournament partikular kay founding organizer ROBIN PADIZ.Kampeon sa naturang basketball for a cause ang Team RDS .MVP si Christoper Seploc at best in uniform pa ang RDS. Binubuo ang Mythical Five nina SEPLOC, JAYSANFUERTAS, AZIZ MADID, RODEL LUCERO at LEO ZABALDICA.
Segunda ang GWCU,tersera ang UNICC at fourth place ang team SAR. Ayon kay Padiz, ang kampeong RDS ang siyang pipili ng beneficiary ng kanilang ayuda sa ating mga kababayang OFW’s na apektado ng pandemya sa Saudi.Mabuhay GRAB We Care United!
The post MAKABAYAN NEXT! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: