Facebook

Mga establisyimento at residente ng Mandaluyong obligado na sa ‘MandaTrack’

PINAPAALALAHANAN ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang lahat ng residente at business establishments nito na gumamit na ng ‘MandaTrack’ bilang bahagi ng contact tracing ng lungsod.
Batay sa kanilang abiso, pagmumultahin ang mga establisyimento at indibiduwal na walang MandaTrack base sa ordinansa na ipinatupad nitong nakaraang araw.
Nakasaad sa ordinansa, magmumulta ng P3,000 hanggang P5,000 at sususpindehin ang business permit at franchise ng isang establisyimento na mahuhuling lalabag.
Habang P1,000 hanggang P5,000 ang multa at maaaring makulong ng 30 araw sa mga indibidwal na lalabag sa nasabing ordinansa.
Kaya hinihimok ng pamahalang lungsod ang publiko na mag-register sa MandaTrack (https://ift.tt/3pASPiu) para sa kanilang QR code at maaari rin magpa-assist sa pagkuha ng QR code sa City Information and Communications Technology (office hours), 3rd Floor, Executive Building, ng Mandaluyong City Hall. (Gaynor Bonilla)

The post Mga establisyimento at residente ng Mandaluyong obligado na sa ‘MandaTrack’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga establisyimento at residente ng Mandaluyong obligado na sa ‘MandaTrack’ Mga establisyimento at residente ng Mandaluyong obligado na sa ‘MandaTrack’ Reviewed by misfitgympal on Enero 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.