Facebook

P288m body camera ng PNP

SA wakas!!! gagamit narin ng body camera ang mga pulis sa kanilang anti-drug operations.

Kinumpirma ito ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, dating Chief PNP, sa pagdinig ng Senado kamakailan.

Noong 2019 pa naaprubahan ang P288 million budget para sa pagbili ng body cameras ng PNP anti-drug operatives. 37,000 units ang ipinanukula nila noon sa kongreso.

Iginiit ng kongreso sa PNP ang paggamit ng body cameras dahil narin sa lumalalang isyu ng tanim ebidensiya ng mga pulis sa tuwing magsagawa ng operasyon partikular laban sa droga, na kadalasan ay nababasura ang kaso sa korte.

Ngayong buwan ng Pebrero sisimulan ng mga operatiba ang paggamit ng nasabing gadgets.

Sana wala na ngang mangyaring tanim-ebidensiya sa mga operasyon ng mga operatiba lalo sa laban sa iligal na droga para hindi na makaporma pagdating sa korte ang mga akusado.

Keep safe, Mamang Pulis!

***

Miniting daw ng management ng online sabong na “Sabong Express” sa Pampanga ang lahat ng agent ng kalabang online sabong na “Pitmaster”.

Sabi ng aking mga tiktik, pinatawag sila ng management ng Sabong Express, pinamumunuan ng isang bagyong politiko sa Central Luzon, at sinabihang bitawan na ang Pitmaster at lumipat nalang sa Sabong Express.

Sumang-ayon naman ang mga agent. Lumipat sila sa Sabong Express. Pero namumuroblema raw sila sa Sabong Express dahil mahina ang signal ng internet nito at madalas pang masira ang makina, tapos pangit pa ang mga sultada, pipitsugin ang mga entry kaya mahina ang mananalpak.

Dahil dito, ang mga agent ng Sabong Express ay muling bumalik sa Pitmaster.

Puros nga naman kasi dekalibre, bigtime o kilalang cock breeders ang mga sumasali sa Pitmaster. Mantakin mo bawat sultada ay umaabot ng higit P4 million ang pusta. Tapos higit 300 sultada araw-araw, mula 8:00 ng umaga hanggang madaling araw. Wan to sawa ang mananalpak.

Dahil sa tagumpay nitong Pitmaster online sabong, malabo nang magbukas pa ang mga regular na sabungan. Kung magbukas man, tiyak mga pipitsuging sabungero nalang ang maglalaban. Mismo!

Dahil sa laki ng kinikita ng online sabong, bubuwisan na raw ito ng 5 percent. Kikita rito ng bilyones kada buwan ang gobierno.

***

Ikinakalat na sa Banawe st., Quezon City ang mga kalendaryong 2021 na may pangalan at mukha ni Presidential daughter “Inday” Sara Duter-Carpio na may naka-print na “Run Sara Run For President 2022.

Una rito ay inanunsyo ni Presidential Legal Adviser Atty. Sal Panelo ang pagtakbo ni Sara sa pagkapangulo at running mate ang kanyang ama, outgoing President Rodrigo Duterte. Patok raw ang “Duterte-Duterte” sa 2022.

May sagot naman si Inday Sara. Tatakbo lang daw siya kung susuportahan siya ng oposisyon. Ngek!

Ang gusto yatang palabasin dito ni Inday Sara ay suportahan siya nila VP Leni Robredo? Malabo pa ito sa sabaw ng pusit, ika nga nila. Hehehe…

Noong 2016, nanalo si Duterte dahil sa suporta ng mga Arroyo ng Pampanga, Marcos ng Ilocos, Villar at Cayetano ng NCR, kungsaan nakakalap si Duterte ng higit 16 milyon boto.

Pero ang botante noong 2016 ay halos 60 milyon. That means nasa 45 milyon ang di bomoto kay Duterte. Ang figure naito ay pinaghati-hatian ng 4 pang presidentiables noon (Binay, Roxas, Defensor-Santiago at Poe).

Pag si Robredo lang ang manok ng oposisyon ngayon, may silat ang iendorso ni Digong. Mismo!

The post P288m body camera ng PNP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P288m body camera ng PNP P288m body camera ng PNP Reviewed by misfitgympal on Enero 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.