INIYAKAN ni Dra. Vicki Belo ang pagkawala ng kanyang paboritong branded bag na nagkakahalaga ng P2 milyon.
Mahigit 20 years nang nangongolekta ng Hermès bags ang sikat na duktora na asawa ng celebrity na si Hayden Kho. Meron na siya ngayong 30 Birkin at Kelly bags sa kanyang bag collections.
Sa latest vlog ni Vicki sa YouTube, ibinahagi niya ang laman ng kanyang bonggang walk-in closet na matagal nang nire-request ng netizens.
Sa isang bahagi ng video, naikuwento ni Bello na nawala ang paborito niyang Hermis Berkin na kulay itim at hindi na raw niya nalaman kung sino ang nakakuha nito na aniya’y maituturing na “very special edition”.
Aniya pa, kamakailan lamang niya nalaman na nawawala ang nasabing bag: “When I opened the box a few months ago, that black bag was gone.
“Yung box nandu’n pero du’n sa loob ng box is a white bag, which wasn’t the right bag. Yeah, I cried,” pahayag pa ng misis ni Hayden.
Kung pagbabasihan ang description ni Vicki, ang tinutukoy nito, ayon sa ilang netizens, ay isang Birkin So Black na ni-launch noong 2010. Base sa nabasa naming report, nagkakahalaga ito ng P2 million sa isang Paris-based online shop.
The post P2m branded bag ni Vicki Belo ninakaw appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: