Facebook

1 patay, 1 sugatan sa pamamaril ng kapitbahay dahil sa maingay na motorsiklo sa Las Piñas City

ISA ang nasawi at isa ang sugatan sa pamamaril ng 71-anyos na lalaki sa kanyang mga kapitbahay dahil lamang sa maingayna motorsiklo sa BF Resort Village sa Barangay Talon 2, Las Piñas City, Miyerkoles ng hapon.
Ayon kay Colonel Rodel Pastor, hepe ng Las Piñas City Police, nagreklamo ang namaril na si Ernesto Francisco, 71 anyos, sa ingay ng motorsiklo na dumaan harap ng kanyang bahay sa Abrille Street bandang tanghali.
May pagawaan kasi ng motorsiklo sa kalapit na bahay ang biktimang si Ricky Dimatulac, 50.
Sabi ng pulisya, nagkaroon ng komprontasyon sina Francisco nang magreklamo siya kina Dimatulac at sa kaibigan nitong si Dominic Duclayan, 38.
Ayon kay Kagawad Tony Garcia ng Bgy. Talon 2, binatukan ni Francisco si Duclayan at sinubukang mamagitan ni Dimatulac, pero biglang naglabas ng baril ang una at pinaputukan ang dalawa.
Tumakas sakay ng kanyang SUV si Francisco. Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Dimatulac na nagtamo ng tatlong tama ng bala.
Patuloy namang inoobserbahan sa ospital si Duclayan na tinamaan sa tagiliran.
Narekober ng SOCO ang 4 basyo ng bala mula sa 9mm na baril.
Si Francisco ay tumakas sakay ng silver Ford Everest na may plakang ZSH 124.

The post 1 patay, 1 sugatan sa pamamaril ng kapitbahay dahil sa maingay na motorsiklo sa Las Piñas City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
1 patay, 1 sugatan sa pamamaril ng kapitbahay dahil sa maingay na motorsiklo sa Las Piñas City 1 patay, 1 sugatan sa pamamaril ng kapitbahay dahil sa maingay na motorsiklo sa Las Piñas City Reviewed by misfitgympal on Pebrero 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.