Facebook

101st Malasakit Center binuksan sa Laoag City ni Bong Go

PERSONAL na pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagbubukas ng ika-101 Malasakit Center sa Governor Roque B. Ablan Sr. Memorial Hospital sa Laoag City, Ilocos Norte.

Ang naturang Malasakit Center ang ikaapat sa Ilocos Region, ang iba ay makikita sa Gabriela Silang General Hospital sa Vigan City, Region I Medical Center sa Dagupan City at sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City, La Union.

Dahil dito, ang apat na probinsiya sa Region 1 ay mayroon nang sariing Malasakit Centers.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Senator Go na patuloy niyang isusulong ang mga batas na titiyak upang ang bawat Filipino ay magkaroon ng mabilis na access sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan.

Bilang tagapangulo ng Senate committee on health and demography, sinabi ni Go na ang maayos na health services ay kaakibat din ng kampanya ng pamahalaan laban sa katiwalian.

Ipinaliwanag niya na ang sistematikong korupsyon, partikular sa public health sector, ang sumisira at nagpapabagal sa paghahatid ng serbisyo sa taongbayan.

“Kami po ni Senator Imee Marcos, lalabanan namin ang korapsyon sa [Philippine Health Insurance Corporation]. Naiintindihan namin na may iilan lang na talagang corrupt diyan at mas marami talaga ang matitinong empleyado na gustong magserbisyo ng buong katapatan,” ani Go na nakipagkita kay dating Ilocos Norte Governor at ngayo’y kapwa niya senador na si Imee Marcos bago ang nasabing event.

“Hindi kami titigil ni Presidente [Rodrigo] Duterte na labanan ‘yan dahil hindi aasenso ang bansa hanggang hindi natatanggal sa pwesto ang mga corrupt,” dagdag ni Go.

Si Go ang nag-akda at nag-isponsor ng Republic Act No. 11463, mas kilala bilang Malasakit Centers Act of 2019.

Ang Malasakit Center ay one-stop shop para mapabilis ang medical assistance programs ng iba’t ibang government agencies kung kaya ang mga pasyente, partikular ang mahihirap at indigent, ay hindi mahirapan sa pag- avail ng mga serbisyo mula sa Department of Health, Department of Social Welfare and Development, PhilHealth, at Philippine Charity Sweepstakes Office.
“Batas na ito sa tulong ni Senator Imee at ni [Second District Congressman Angelo Marcos Barba]. Naipasa ito nitong Eighteenth Congress at ngayon mayro’n na tayong one hundred and one Malasakit Centers sa buong Pilipinos,” ang masayang sabi ni Sen. Go.

“Ano ba ang kwalipikasyon nito? Basta Pilipino ka, qualified ka. Kung poor at indigent ka, qualified ka. Walang pinipili ito at walang politika dito sa Malasakit Center,” paliwanag ng senador. (PFT Team)

The post 101st Malasakit Center binuksan sa Laoag City ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
101st Malasakit Center binuksan sa Laoag City ni Bong Go 101st Malasakit Center binuksan sa Laoag City ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Pebrero 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.