HINDI talaga kayang pagtakpan ng ‘propaganda’ ang hindi nalulutas na iregularidad sa bakuran ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Kahit anong paliwanag ang sabihin ng mga opisyal ng PCSO na nalutas na nila ang isyung ng PERYAHAN NG BAYAN at STL, walang maniniwala sa kanila.
Ang Peryahan ng Bayan ay front ng talamak na jueteng dahil lantaran ang pagpapataya ng mga kubrador.
Huwag na tayong lumayo. Sa lalawigan ng Rizal partikular na sa Montalban, ilang beses na nating pinuna hindi lamang sa ating column kundi maging sa programa ko sa radyo ang reklamong hindi nagre-remit ang operator, ng pribadong kompanyang may prankisa ng Peryahan ng Bayan at STL gamit ang PCSO.
Sa Bicol Region, Visayas region, Region 1, 2, 3 at 4A -4B hindi ba’t ganyan din ang reklamo?!
Walang remittances na natatanggap ang PCSO mula sa mga operator na binigyan nila ng prankisa partikular na itong Global Tech namay prangkisa sa Pangasinan pero sa mga nabanggit na lugar nag-ooperate?
E kung ganyan din naman ang nangyayari, bakit kailangan pang magbigay ng prankisa sa mga pribadong kompanya?!
Bakit hindi gobyerno na lang ang magpatakbo ng Peryahan ng Bayan na nagkukubli sa Jueteng?!
Ano ang silbi ng mga opisyal ng PCSO kung hindi rin nila nababantayan ang remittances ng Peryahan ng Bayan na para sa gobyerno?!
Ang daming opisyal ang pinasusuweldo ng PCSO bukod pa sa per diem kapag mayroon silang mga meeting tapos hindi kayang i-consolidate ang kita ng gobyerno mula sa Peryahan ng Bayan?!
Panahon na para kanselahin ang pagbibigay ng prankisa sa Peryahan ng Bayan sa mga pribadong kompanya.
Mistulang mga bulag sa sugal jueteng ang mga opisyal sa Rodriguez Rizal sa kabila ng Executive Order No.13 ng Pangulong Rodrigo Duterte at “marching order” ni PNP Chief Debold Sinas ay nakapagtatakang hindi man lamang kumikilos ang mga kapitan ng barangay, alkalde at kapulisan para puksain ang illegal vices sa Rodriguez Rizal na sinasabing isang Retired General ang umanoy nagpapatakbo?
Kung patuloy na magsawalang kibo, mag bulag-bulagan at walang gagawing aksyon si Mayor Tom Hernandez, Rodriguez Rizal Chief of Police PLt Col Rexpher Abad Gaoiran at Rizal PNP provincial director PCol Joseph R. Arguelles para mahinto ang operasyon ng jueteng na nasa hurisdiksyon nila malamang na totoo ang reklamo na nakikinabang sila sa multi-milyong kubransa kada araw?
Samantala hindi rin nagpapatalo sa kubransa ang mga jueteng LORD sa Quezon City, sina TEPANG, PINONG at BABY? NESTOR sa NOVALICHES at MANDO KALBO sa UP DILIMAN?
Subaybaya natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!
The post Operasyon ng “peryahan ng bayan” sa Rodriguez Rizal at QC, nananatiling front ng jueteng appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: